^

PSN Showbiz

‘Killjoy ang sakit ko’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Alam mo ba Salve na sad na sad ang pamangkin ko na si Apple na nakatira na sa Amerika pero nagbabakasyon ngayon dito sa Manila na hindi na ako mapapanood sa Take It… (Take It... Me Ganon!).

Kasi nga iyon lang ang parang way nila na makita kung ano ang kalagayan ko tuwing Martes ng tanghali dahil lagi silang nakaabang kahit napupuyat na sila sa panonood dahil nga pag umaga o tanghali rito sa atin, gabi naman sa Amerika.

Kaya basta hindi tayo umere ng Martes, lalo na nung may lockdown, nag-aalala na sila.

Kaya nga nang sabihin ko na hindi na muna ako magso-show, sad na sad sila.

Samantalang hindi naman naiintindihan ng asawa niyang si Demar na isang Amerikano iyon pinag-uusapan dahil hindi marunong ng Tagalog.

Kung meron siyang naiintindihan, iilang salitang Tagalog lang ‘yun.

Grabe talaga na kung puwede lang hindi ko  iwan ang Take It... dahil para talagang ito ang best way for me na makipag-communicate sa lahat, gagawin ko.

Ay naku, talagang killjoy ng sakit na ito.

Kainis na siya talaga. Kung puwede ko lang siya tirisin lagot siya sa akin.

Hahahaha.

Pero pag gumaling ako, talagang babawi ako sa mga manonood natin sa Take It... Mas marami akong mga kuwento.

Gretchen, ‘di nakakalimot

Talagang very grateful ako kay Gretchen Barretto, Ana Abiera at Rusky Fernandez.

 Imagine mo na habang nasa dialysis room ako, pinuntahan nila ako para kumustahin at dalhan ng magic enve.

 Bongga ang mama Gretchen ko na talagang alam mo na pasadya ang mga envelope.

Talagang walang makatulad lalo pa nga at tanging siya lang ang nakabuo ng idea sa love box nung kasagsagan ng pandemic.

Nag-iisang Gretchen Barretto lang ang unang nakaisip na magbigay ng love box sa buong showbiz.

Ang dami na puwede sanang nakagawa nito, pero si Gretchen lang ang talagang naging una at sana hindi huli na magbigay ng love box sa lahat, walang pinili, pantay pantay at sa lahat ng level, walang ranking.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with