^

PSN Showbiz

Lovi, may sariling production company na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lovi, may sariling production company na!
Samantha, Lovi at Janine
STAR/ File

May sariling production company na rin si Lovi Poe.

Ang C’est Lovi Productions. “This is it! I’m excited to share the news of finally launching C’est Lovi Productions. It’s been a passion of mine to be in the business of making films in front of the camera for a number of years already, and as I continue to do that I’d like to be behind the camera too and develop projects from the beginning. Importantly, I want to join forces with people who share the same passion and make films that would help the world recognize Filipino talent either behind or in front of the camera,” aniya.
“There was FPJ productions…and I hope C’est Lovi Productions can continue that legacy, and bring Filipino stories—especially those independent, lesser known but equally good ones—internationally. ♥?
Advanced Happy Birthday, Papa. ?”

Sunud-sunod din ang trabaho ni Lovi. Habang ongoing pa ang pagpapalabas ng Flower of Evil nila ni Piolo Pascual, busy naman ito sa promo ng kakaibang kwento ng dalawang babaeng nagmamahalan sa Sleep with Me, ang pinakabagong serye sa iWantTFC na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez.

Ito ay matapos ang matagumpay na world premiere ng serye sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles noong Hulyo 19, kung saan nanalo ito ng Audience Award for Best Episodic at sold out din ang tickets para sa premiere na dinaluhan nina Lovi at ang direktor ng serye na si Samantha Lee.

Umiikot ang Sleep with Me kay Harry (Janine), isang naka-wheelchair na late-night radio DJ at eksperto sa love advice, at kay Luna (Lovi), isang babaeng may sleep disorder na hindi nakakatulog tuwing gabi.

Bukod sa nakakakilig na relasyon nina Harry at Luna, bibigyang-diin din ng serye ang mga social injustice na nararanasan ng mga taong may kapansanan at ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

“I think Janine and Lovi’s characters both have their own set of issues that they deal with, that makes them excluded from society at large. It’s about people’s stories that don’t get told a lot,” sabi ni direk Samantha, na kilala rin sa mga queer films niyang Baka Bukas at Billie and Emma, sa isang interview noon.

“The story is really something that I don’t think has been shown in the Filipino setting. I’m so excited for people to learn more about this topic and alam kong madaming makaka-relate. And at the core, it’s a love story na talagang you’ll get attached to and it will make you feel things,” dagdag naman ni Janine.

Mapapanood nang libre ang anim na episodes ng Sleep with Me sa Agosto 15 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

LOVI POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with