^

PSN Showbiz

Lolit Solis, pahinga na sa pagho-host

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit Solis, pahinga na sa pagho-host
Mr. Fu at Lolit
STAR/ File

Salamat sa mga naghahanap at nakaka-miss sa digital talk show nina Nay Lolit Solis at Mr. Fu na Take It! Take It! Me Ganon?!

Ang dami kong natatanggap na direct messages at nagtatanong kung wala na ba ang programa nina Nay Lolit at Mr. Fu na aminado silang nagpapa-happy sa kanila tuwing Martes ng tanghali lalo na ang mga nasa abroad nating kababayan.

Kasalukuyan pang nagpapagaling si Nay Lolit.

Tulad sa mga sinusulat niya, kailangan niya ng dialysis, twice a week, 4 hours per session.

May pagkakataon na gusto na niyang tumigil sa pagpapa-dialysis pero sinabi ng kanyang mga doctor na kailangan niya ‘yung gawin.

Nagpapasaya sa kanya sa kasalukuyan ang mga dumarating sa kanyang regalo sa tuwing pupunta siya sa hospital para magpa-dialysis.

Maraming salamat sa mga tumangkilik sa Take It! Take It! Me Ganon?! na dating Take It... Per Minute, Me Ganun?! sa mahigit tatlong taon nitong pag-ere sa Pilipino Star NGAYON Facebook page at YouTube channel.              

NAY LOLIT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with