^

PSN Showbiz

Sikat na aktor, nagsalita sa isnaban nila ng leading lady

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Itinatanggi ng sikat na aktor na nag-isnaban sila ng leading lady niya sa isang malaking handaan kamakailan lang.

Malaki lang daw ang venue at ngayon lang daw niya nakita uli ang ibang friends, kaya hindi lang sila nagkaroon ng chance magkatsikahan.

Pero bakit hindi nagkaroon ng chance magka­tsikahan sila ng kanyang leading lady?

Kahit si leading lady ay deadma rin sa kanyang leading man, na wala man lang silang nai-post na nag-selfie.

Tumataas ang kilay ng isang staff ng drama series na ginagawa nila.

Ayaw niyang magkuwento pero tila may isyung namamagitan sa kanilang lead actors, kaya nagkakaroon ng dedmahan.

Sana maayos silang dalawa, bago dumating ang promo dahil ang hirap magplastikan at magpurihan sa isa’tisa.

Cinemalaya, buhay na buhay na ulit

Buhay na buhay ang mga cineastes na dumagsa sa Cultural Center of the Philippines (CCP) nung nakaraang Biyernes, kahit walang tigil ang ulan at nagbabaha na sa ilang bahagi ng Kamaynilaan.

Sinaksihan nila ang pagbabalik ng Cine­malaya na nasa 18th na taon na.

Ang tema nito ay Cinemalaya 18: Breaking Through the Noise.

Maingat naman ang lahat, lalo na sa CCP na kahit saang sulok ay may alcohol dispenser.

May available face mask din sila kapag gusto mong magpalit ng suot mong face mask.

Maingat sila sa pagpapasok ng mga tao sa theater na hindi magsasabay-sabay.

Diyan magaling ang pag-a-assist ng kanilang ushers.

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay kay direk Laurice Guillen na siyang presidente ng Cinemalaya Foundation.

Bahagi ng pahayag ni direk Laurice: “Who would have thought in the middle of the pandemic that we will meet again like this? Lockdowns, isolation, increased safety protocols, escalating costs and budget beyond what we could afford. And yet here we are!

“Our films would be back on the big screen here at the Cultural Center, and in selected Ayala and SM outlets.

“Our talkbacks and discussions will be face to face. Our juries are here from abroad to watch the films and deliberate in person.

“Slowly we’re getting back to where we were, but not completely.

“We will continue to miss the young and gifted Cinemalaya filmmakers who lost their lives in the battle with the pandemic.

“We will learn to live with COVID, observing the basic safety protocols that we learned during this time.

“And as has been experienced of the 2022 filmmakers, we will be extremely careful so that we can take the necessary risks.”

Namataan namin doon si John Lloyd Cruz na photographer pala ng filmmakers na kalahok sa naturang indie filmfest.

Ang National Artist na si Ricky Lee ay pinag­hahandaan ang book launch niya na doon din gaganapin sa Martes, Aug. 9.

Dadaluhan ito ng mga kilalang artistang magi­ging bahagi sa script reading, na sina Dingdong Dantes, Gina Alajar, Judy Ann Santos, Aicelle Santos at Agot Isidro.

Isa sa nakatsikahan namin doon nung Sabado ay si JC de Vera na lead actor sa isang entry ng Bakit Di Mo Sabihin ni direk Real Florido.

Kasama niya rito si Janine Gutierrez na ginagampanan nilang dalawa ang role ng isang pipi’t bingi.

Ibang-iba rin daw ito sa mga nagawa niya, at pinuri siya sa pelikulang ito. “This is for, you know , the deaf community. And we made sure na all of your senses will be open kapag napanood ninyo ito,” pakli ni JC.

Bukas ang gala premiere ng isang entry na Ginhawa na pinagbibidahan ni Andrew Ramsay.

Inaasahang dadaluhan ito ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Pagkatapos nito ay ang pelikulang 12 Weeks na bida naman dito ang mag-inang Bing Pimentel at Maxene Eigenmann.

Inaabangan ng mga movie press si Maxene para makapanayam sa pagpanaw ng tiyahin niyang si Cherie Gil.

Si Maxene ang isa sa pinaka-close na pamangkin ni Cherie.

CCP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with