^

PSN Showbiz

Heaven, mas type ang akyat-bahay na panliligaw

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Heaven, mas type ang akyat-bahay na panliligaw
Heaven
STAR/ File

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Heaven Peralejo ngayon. Bukod sa teleseryeng Flower of Evil ay napanood din ang aktres sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado.

Ayon sa dalaga ay mayroon siyang natutunan tungkol sa pag-ibig mula sa episode na ginawa para sa MMK. “August so far has been so good, full of blessings. What I realized with this MMK, may gano’ng klaseng pagmamahal talaga. I’m a hopeless romantic but I’ve been hurt a lot of times. So medyo guarded na ang puso ko. Kahit pala ibigay sa ‘yo ni Lord lahat ng sakit and lahat ng problems sa buhay, pero if you’re with the right person, tutulungan ka Niyang mahalin kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon and hindi ka Niya iiwan sa ere. So I realized na I deserve a much better love because of MMK and I really wish to find that love,” pagbabahagi ni Heaven.

Katulad sa naging takbo ng kwento ng MMK ay naranasan na rin umano ng aktres sa tunay na buhay ang pakikipag-usap sa kasintahan kahit na magkalayo sila ng lugar. “May times no’ng pandemic. I met this person once and then nagkaroon ng lockdown and of course wala na kaming magawa kundi mag-message-an lang. Pero no’ng bumalik na sa reality and everything, do’n mo mare-realize na pagdating ba sa reality is it still the same? ‘Yung pagmamahalan n’yo ba do’n sa online world, kakayanin ba in reality?,” pagtatapat ng dalaga.

Hangga’t maaari ay gusto ni Heaven ang lumang istilo ng panliligaw ng isang lalaki. Mahalaga rin para sa aktres na makilala rin ang pamilya ng kanyang manliligaw. “If magde-date kayo outside kailangan may akyat-bahay muna. Akyat-ligaw muna kasi online is normal na sa gene­ration ngayon. So I do believe that you can find love online. I still prefer the traditional way. I’ve been raised like that so ever since na nagsimula ako makipag-date, lahat nang makikipag-date sa akin ay aakyat muna ng ligaw. It’s not just gifts. It’s more of your family getting to know the person you’re dating. Ang pamilya ko kasi traditional so ang gusto nila nasa tamang kamay lang ako kung lalabas ako with a person na may gusto,” nakangiting paglalahad ng dalaga.

Christine, napaiyak nang mapanood ang sarili

Kamakailan ay napaiyak si Christine Bermas nang mapanood ang sarili sa pelikulang Scorpio Nights 3. Hindi raw akalain ng sexy actress na maganda ang kalalabasan ng naturang proyekto.

Maaaring mapanood ang Scorpio Nights 3 sa Vivamax.net. “Actually nanginig ako. Kasi grabe, hindi ko lubos akalain na doon sa napanood ko speechless ako sa mga nangyari. Hindi ko alam na kaya ko palang ilabas kung anong meron ako. Nag-start naman po ako sa wala. Aminado po ako na hindi naman ako mahusay no’ng nag-start ako. Tapos lahat sila proud sa akin ngayon,” emosyonal na pahayag ni Christine.

Matatandaang sina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda at Daniel Fernado ang mga unang nagbida sa Scorpio Nights na ginawa ni Peque Gallaga noong 1985. Sa remake naman noong 1999 ay sina Joyce Jimenez at Albert Martinez ang nagbida sa pelikulang ginawa ni Erik Matti. Ngayon ay mapangahas pa rin ang mga eksena ni Christine kasama si Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron sa natu­rang film remake na ginawa naman ni Lawrence Fajardo. “Nando’n na ako sa karakter ko eh. So parang hindi ko na siya inisip na ako ‘yon, at all. Hindi naman siya same sa real life ko at hindi naman kailangang ma-experience ko muna ‘yung gano’ng bagay bago ko siya maiarte o magawa sa eksena. At saka once tinanggap mo na siya dapat wala ka ng hesitation, wala kang doubt. Hindi ka na pwedeng magdalawang-isip kasi tinanggap mo ‘yung project. So all you have to do na lang talaga is gawin siya and bigyan siya ng buhay,” paliwanag ng sexy actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with