^

PSN Showbiz

Arron, dalawang taong jobless

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arron, dalawang taong jobless
Arron
STAR/ File

Dalawang taon nang hindi nakapagtatrabaho si Arron Villaflor. Para sa aktor ay hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan nitong mga nakalipas na taon dahil sa kawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Kamakailan ay pumirma si Arron ng management contract sa Viva Artists Agency. “It’s been a struggle for me like being floating for two years. It’s really hard for me with no work. So I decided to transfer na rin. Sa akin naman as long as it’s work walang problema sa akin,” pagbabahagi ni Arron.

Matatandaang nasa pangangalaga ng ABS-CBN ang aktor simula 2004 bago pa napunta sa Cornerstone Entertainment. Hinahanap-hanap na umano ni Arron ang pag-arte sa harap ng kamera kaya muling lumipat ng talent management company. “Nabigyan lang tayo ng pagkakataon at naniniwala ako sa timing. I guess hindi lang naman ako ‘yung nahiwalay o nawala sa ABS-CBN. Ayoko lang mabakante. I am not getting any younger. I’m thirty two (years old), so sobrang excited ako sa lahat ng projects na pwedeng dumating para sa akin,” paliwanag niya.

Ayon kay Arron ay hindi naman nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nila ng Kapamilya network dahil sa ginawa niyang paglipat. “Never akong nagtampo sa mga nakatrabaho ko. It’s just that gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho. It just so happened na hindi tayo nabigyan ng pagkakataon noong pandemic kasi lahat hirap naman talaga. Pagdating sa shooting, sobrang nagkaroon tayo ng limitation. So I decided to think and I decided to transfer kung saan may work na available. Hindi lang ako siguro sanay na walang ginagawa. Sa struggles na ‘yon, naging busy na lang ako sa ibang mga bagay. I opened a new salon in Tarlac. I have my real estate so let’s be thankful na rin we’re alive at may mga pagkakataon tayo na gano’n,” paglalahad ng aktor.

Chie, ayaw makipag-relasyon sa artista

Malaki ang pasasalamat ni Chie Filomeno sa Pinoy Big Brother. Mas nakilala ang aktres nang naging housemate sa loob ng Bahay ni Kuya noong isang taon.

Ayon sa dalaga ay maraming pagbabago sa kanyang buhay pagkalabas mula sa PBB house. “Nabago talaga ng PBB ‘yung buhay ko. Nabigyan ako ng opportunity na thankful ako and ‘yung fee­ling na overwhelmed. ‘Yon talaga ‘yung feeling na nararamdaman ko kasi binigyan ako ng gano’n kalaking trust,” pahayag ni Chie.

Samantala, walang kasintahan nga­yon ang sexy actress. Hanggang maaari ay hindi na raw makikipagrelasyong muli si Chie sa isang artista ring katulad niya. “Sinabi ko na ‘yan dati, non-showbiz ang gusto ko. And first na naging boyfriend ko showbiz. Tapos sabi ko, ayoko na ng showbiz. Wala eh, hindi mo talaga matuturuan ‘yung heart mo. As much as possible gusto ko non-showbiz para meron pa akong ibang matutunan. Kung kanino ako mapo-fall in love, fee­ling ko madami akong matutunan din,” makahulugang pagbabahagi ng aktres.

(Reports from JCC)

ARRON VILLAFLOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with