^

PSN Showbiz

Cherie, napagkamalang erratic ang mood nang magkasakit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cherie, napagkamalang erratic ang mood nang magkasakit!
Cherie
STAR/ File

Naku, dahil sa natanggap kong text na namatay na si Cherie Gil parang nasira ang umaga ko kahapon. So sad na isang mas bata pa sa akin na tulad ni Cherie Gil ang mas naunang nawala sa mundong ito.

Younger at mas inaakala ko na stronger pero mas nauna dahil sa sakit na cancer.

Kaya nga alam ko na dapat thankful ako dahil 75 na ako and yet heto at nabibigyan pa ako ng pag-asa.

Talaga lang complaining person ako na wala nang ginawa kundi maghanap ng irereklamo ko.

Buti na lang mabait ang mga doktor ko, at matiyaga sa pagtingin sa akin, kundi, siguro, matagal na akong tsugi dahil sa mga reklamo ko, hah hah hah.

God is good, always.

Ngayon alam na natin kung bakit during her taping medyo iba ang temper ni Cherie Gil. Ngayon alam na rin nating dapat na kung minsan dahil hindi natin alam kung ano ang nararamdaman ng isang artista kaya minsan naiiba ang takbo ng kondisyon niya.

Puwede kayang may sumpong, may iniinda palang sakit. Meron namang may personal na problema kaya iba rin ang mood.

Dapat lagi rin tayong maging maunawain sa stars na nakikita nating may kunting sumpong. Huwag tayong basta na lang humuhusga eh hindi natin alam meron palang dinadalang konting problema. Gaya nga ng mga panahong may sakit na pala si Cherie Gil kaya medyo erratic ang moods.

Let us pray for her, peace be with you, Cherie Gil.

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with