^

PSN Showbiz

Zeinab Harake, nakuha na rin ng Beautederm!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Zeinab Harake, nakuha na rin ng Beautederm!
Rhea at Zeinab.

Nakuha na rin ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab Harake bilang kanilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.

Ito ay bilang bahagi na rin ng month-long 13th anniversary cele­bration ng kum­panya ni Ms. Rei Anicoche-Tan.

Ang Koreisu na deve­loped, tested, at manufactured sa Japan, ay kumbinasyon ng mga Nihongo na salita na kokotaru (bright), ureshi (happy), at tisu (teeth).

Bilang isang social media star na may humigit na 50 million followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizen ‘di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa ibang bansa na rin.

At bilang iniidolo ng netizens, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair. “Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong pinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating magsipilyo tatlong beses sa isang araw.”

At sobrang ligaya ni Zeinab ngayong opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm. “Mala­king karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nung sinalubong nila ako,” sabi pa ni Zeinab.

“Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko at pinoprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected.”

Ang Beautéderm President at CEO na si Rei naman ay excited din na maksama si Zeinab sa lumalaking pamilya ng Beautéderm. “Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na market dahil sa kanyang platforms,” ayon kay Rhea.

“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador.”

Si Zeinab naman ay ‘di na makapaghintay sa mga one-of-a-kind adventures kasama ang kanyang Beautéderm family. “Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more support for Beautéderm and I am honored to be a part of that.”

BEAUTéDERM

ZEINAB HARAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with