Tom, biglang nagpakita na nagpa-piano
Nagparamdam si Tom Rodriguez.
Matagal-tagal na rin siyang nasa Amerika matapos ang kontrobersyal nilang paghihiwalay ng asawang si Carla Abellana.
Divorced na sila base sa batas sa Amerika, pero sa bansa ay mag-asawa pa rin sila.
Nagpa-piano si Tom sa kanyang comeback post sa social media. “Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song.”
Marami namang natuwang followers nito sa kanyang pagpaparamdam.
Sinasabing kailangan ni Tom ng therapy dahil sa kanyang mental health issue.
- Latest