^

PSN Showbiz

Mapapanood sa MPK, dating aktor na si Andrew Schimmer ginagawa ang lahat para sa misis na nakaratay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mapapanood sa MPK, dating aktor na si Andrew Schimmer ginagawa ang lahat para sa misis na nakaratay
Andrew at Pamilya.

Nine years old ang dating actor na si Andrew Schimmer nang nawalan ng ina dahil sa breast cancer.

Pagkatapos ng dalawang taon, ang kanyang ama naman ang sumakabilang buhay dahil sa depression.

Kaya’t habang siya ay lumalaki, pinangarap niya na magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya.

Dahil sa kanyang ka­gwapuhan, nagkaroon si Andrew ng pagkakataon na makapasok sa showbiz. Kaya madali rin siyang makipagrelasyon at ma-in love.

Pero true love ang naramdaman niya kay Jho.

Ilang beses siyang ni-reject ni Jho bukod pa sa ayaw sa kanya ng pamilya nito.

Pinagtagpo sila ng tadhana at kapwa pinaglaban ang kanilang pag-iibigan.

At doon sila nag-umpisa ng masayang pamilya kapiling ang dalawang anak.

Nasubukan ang kanilang masayang pagsasama nang atakihin ng severe asthma attack si Jho na naging sanhi ng hypoxemia at cardiac arrest.

Ginawa ni Andrew ang lahat upang mabuhay si Jho. Pero hanggang saan at kailan ang maraming gawin upang palakasin at damayan ang karamdaman ni Jho? “Consider a sky without the moon and the stars this is how I feel when you’re not by my side.so please let me take care of you forever..and I promise, I will never stop, until my last ounce of strength drops,” ang isa sa mga last post ni Andrew.

Saksihan ang nakakaantig na buhay ni Andrew sa Magpakailanman sa episode na pinamagatang Every Breath You Take, na mapapanood ngayong gabi sa GMA 7.

Gagampanan si Andrew ni Mark Herras at si Arra San Agustin bilang si Jho.

ANDREW SCHIMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with