^

PSN Showbiz

‘Dialysis, nakakairita at nakakainip!’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âDialysis, nakakairita at nakakainip!â
Lolit Solis.

Alam mo ba, Salve, na nasa dialysis machine ako habang sinusulat ko ito? Kaloka talaga na apat na oras at dalawang beses sa isang linggo ko itong gagawin.

Kaloka ‘di ba.

Talagang dusa ito, pero ano ang magagawa ko, ito ang desisyon ng mga doktor ko.

At alam mo ba na heto raw ay gagawin ko na forever.

Bongga sila, hindi nila alam na bait-baitan school of acting lang ako, hah hah at ‘pag nag-horror mood ako, sure ako ayaw na nila ako maging member ng dialysis club, hah hah hah.

Pero sa totoo lang, nakakairita ang dialysis ha, ang tagal-tagal at inip na inip na ako. Buti na lang naisip kong magsulat ng column at pang-Instagram post ko para mawala ang inis ko.

Naku, ‘pag nandito si Bea Alonzo sure ako na maaaliw ako, dahil titingnan ko nang close-up ang wrinkles sa face niya para malaman ko kung iyon nga ang cause ng ghosting, hah hah hah.

Basta grateful ako sa friends na tulad n’yo Salve, nina Gorgy, Jerry, Vinia, Rose, Ian, Nathalie at Tessa na talagang laging nagtse-check sa kalagayan ko.

Talagang feel na feel ko na concerned kayo sa akin at talagang gusto n’yo akong gumaling.

Ang sarap ng feeling na merong friends na tulad n’yo dahil nalilimutan mo ang stress at fear dahil sa sakit mo. Kita mo rin na talagang mahal ka ng friends mo, at talagang forever grateful ako.

Promise, I owe you one, at mababalik ko rin ang ipinakita n’yong pagmamahal. Salamat talaga.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with