^

PSN Showbiz

Martin, first male pinoy singer sa Walt Disney concert hall

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

GLENDALE, CA. – Alam mo, Ateng Salve, parang gusto kong mapakanta ng It’s a Small World (After All) ng The Sherman Brothers nang hindi sinasadyang makita ko kahapon sa The Americana At Brand (a large shopping, dining, entertainment and residential complex) ang Concert King na si Martin Nievera.

Papunta talaga ako sa presscon ni Martin sa Hilton Hotel Glendale ng 7:00 p.m., pero dahil maaga pa nga, kakain muna sana ako and while walking, nakita ko ang Kapamilya singer-TV host na nakaupo sa may garden area at abala sa kanyang laptop.

Bibiruin ko sana si Martin na isa akong fan at magpapa-picture, pero palapit pa lang ako ay nakita na niya ako, kaya ang dialogue ko nga, “What a small world!”

Kumain pala si Martin kasama ang girlfriend na si Anj del Rosario sa favorite nilang Cheesecake Factory restaurant sa lugar na ‘yon.

So, chika-chika muna kami ni Martin dahil may binibili lang si Anj. Maya-maya ay may isang Pinay na lumapit sa Concert King at gustong magpa-picture. Nakita raw ako ng Pinay kaya sure siya na si Martin ang kachikahan ko, huh! Bongga! “You see, you’re sikat, ikaw ang unang nakilala!,” biro ni Martin.

Anyway, ang ganda talaga ng PR ni Martin sa mga fan dahil hindi lang siya nakipag-picture sa babaeng lumapit, naki­pagkuwentuhan pa siya. Lumapit din ang mga kasamahan ng babaeng ‘yon na ang iba ay taga-London, England.

Ang haba ng pakiki­pagchikahan sa kanila ni Martin, kaya tuwang-tuwa ang mga Pinoy na ‘yon.

Pati tungkol sa kung saan masarap na crispy pata ay napag-usapan nila, kaya bumilib talaga kami sa bait ni Martin.

So nice!

Sobrang na-appreciate naman niya na nag-extend ako ng stay dito sa Amerika para maka-attend ng presscon ng kanyang 40th anniversary concert, ang M4D (Martin Nievera 4 Decades) na magaganap on Aug. 28 sa Walt Disney Concert Hall sa downtown Los Angeles.

Sinabi ni Martin na sa November ay may concert siya sa Manila kaya puwede ‘di na ako nag-stay para sa kanyang concert.

Pero sabi ko nga kay Martin, I really wanna watch his Walt Disney Concert Hall concert dahil siya ang first male Pinoy singer na makakapag-concert doon (ang first Pinay naman ay si Leah Salonga). Siyempre, sa bait sa akin ng Concert King at sa rami ng magagandang pinagsamahan namin, gusto naming maging bahagi ng milestone na ‘yon sa kanyang career at buhay!

Naku, Ateng Salve, sobra ang pagmamahal ko kay Martin dahil sobrang mapagmahal din siya sa mga taong sumusuporta sa kanyang career!

Ang maganda pa, kahit ang mga tao na nasa likod ng kanyang career like his personal manager na si Joy Alonzo, sobrang mag-appreciate ng naitutulong mo sa career ng kanyang alaga!

Actually, sa lahat naman ng entertainment press, mabait talaga sina Martin at Joy!

Ruffa, nakabantay sa showing ng Maid…

Kahapon habang naka-monitor si Ruffa Gutierrez sa mga pangyayari sa third day of showing ng pelikula nilang Maid in Malacañang ay bising-busy naman siya sa pag-eempake dahil maaga ang flight nila ng nanay niyang si Annabelle Rama pa-Cebu City.

May presscon at red carpet premiere sa lugar na ‘yon ang pelikula ng Viva Films.

Bale sa Cebu City na sila magkikita-kita ng ibang cast ng pelikulang idinerehe ni Darryl Yap dahil ga­ling naman ang mga ‘yon sa Davao City kung saan una nang nagkaroon ng presscon at red carpet premiere kahapon.

Eh, mula Cebu City naman bukas ay bibiyahe sila pabalik ng Maynila, pero may connecting flight naman sila pa-Laoag City dahil doon naman sila may presscon at red carpet premiere.  “So, dala-dala ko na pati mga gagamitin ko sa Laoag,” sey ni Ruffa.

Sobrang lakas sa takilya ng Maid in Malacañang kaya naman sobrang ganado ang mga artista ng pelikula sa pagpo-promote no’n.

Bongga! ‘Yun na!

MARTIN NIEVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with