^

PSN Showbiz

IWantTFC at FashionTv, nagsanib-puwersa

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
IWantTFC at FashionTv, nagsanib-puwersa

Mapapanood na ang pinakamalaki, pinakamaningning at pinakabonggang fashion events sa buong mundo sa iWantTFC dahil makikipagsanib-puwersa ito sa FashionTV, isang popular international fashion and lifestyle channel.

Ang FashionTV ang unang international fast channel na magiging available sa iWantTFC – may 10 million active users as of the second quarter of 2022. Ang kanilang pagsasanib-puwersa ang magiging simula ng mas marami pang partnerships bilang parte ng layunin ng streaming platform na makagawa ng mas maraming content para sa new audiences.

“This wonderful partnership will allow us to further expand iWantTFC’s various offerings and reach even more audiences in different parts of the world. Our goal has always been to continue to provide meaningful and relevant stories which our viewers can enjoy and relate to,” sabi ni Jamie Lopez, head of digital ng ABS-CBN.

Ayon naman sa FashionTV head na si Michel Adam, ang kanilang partnership ang magiging daan para mas mapansin ang local fashion.

Mae-enjoy rin ng mga Pinoy ang most up-to-date coverage in the world of fashion dahil ipapakita ng FashionTV ang mga exclusive at latest updates from the highly-anticipated fashion weeks sa prestigious locations ng London, Paris, Milan at New York City.

Masasaksihan din ang Hollywood movie stars and celebrities na talagang pinaghandaan ang kanilang mga bonggang outfit para sa Cannes Film Festival.

Panoorin ang Paris Haute Couture para makita ang best-of-the-best models on the runway, at series of designer collections at one-of-a-kind expensive pieces.

Hinahandog din ng Fashion TV ang life stories ng supermodels gaya nina Kendall Jenner, Alessandra Ambrosio, and Adriana Lima, insights ng photographers sa likod ng popular magazines gaya ng Vogue, Allure, and Harper’s Bazaar at mag-explore sa luxury hotels and resorts ng Hilton, Hyatt, and Four Seasons.

Step into the world of fashion sa pamamagitan ng panonood ng FashionTV for free worldwide (except Vietnam) sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com).

IWANTTFC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with