^

PSN Showbiz

Maimpluwensyang tao, hinarang ang pagpapalabas ng mahalay na pelikula ng jowang singer/actress

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Curious lang kami kung binili ba nitong maimpluwensyang tao ang pelikulang ginawa ng girlfriend niyang isang singer/actress.

Hanggang ngayon ay hindi pa hayagan ang kanilang relasyon pero marami nang nakaalam na sila talaga.

Nakarating kay influential personality ang isang mapangahas na pelikulang ginawa nitong girlfriend na si singer/actress at hindi niya ito nagustuhan.

Sobrang daring kasi rito ni girl na talagang nakabihadhad ang kabuuan niya.

Meron daw itong eksenang threesome sa dalawang foreign actors na nakahubad din.

Open lang talaga si singer/actress sa mga ganitong role, at walang isyu sa kanya kung nakahubad.

Matino naman ang direktor at maayos daw ang pagkagawa ng pelikula, pero siyempre hindi ito type ni influential personality. Kaya ipinatigil daw ang distribution nito.

Habang nandiyan ang impluwensya nito, malabong maipalalabas ito. Kaya ang tanong namin, bibilhin na kaya niya ang pelikulang ito para hindi na talaga maipalabas?

Kasi, namuhunan naman ng malaki ang producer nito, na karamihan daw sa mga eksena nitong pelikula ay kinunan pa sa ibang bansa.

Nagtataka lang kami bakit ginawa pa nitong singer/actress ang ganun ka-daring na pelikula gayung sila na nung influential personality na ito?

FF, wagi sa mga throwback

Okay naman ang pagsisimula ng Return to Paradise nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nung Lunes, Aug. 1.

Naka-7 percent ang pilot episode nito. At itong Apoy sa Langit ay 8.2 percent at ang The Fake Life na 6.7 percent.

Pero bongga pa rin ang Family Feud ni Dingdong Dantes na naka-11.2 percent nung Lunes, na kung saan naglaro ang The Naughty Divas na sina Mae Rivera, Selina Sevilla, Alynna at Gabriela, kalaban ang mga OPM Hitmen na sina Renz Verano, Chad Borja, Rannie Raymundo at Richard Reynoso.

Type ng mga manonood ang pang-masa at ‘yung nagtu-throwback.

Samantala, isa sa natuwa na naging bahagi ng Return to Paradise ay ang multi-awarded actor na si Allen Dizon.

Maganda ang role niya rito bilang si Lucho na leader ng isang sindikato sa sabong.

Bihira lang tumatanggap si Allen ng drama series dahil mas napa-prioritize niya ang paggawa ng indie films.

Pero dito siya nakakahakot ng best actor awards, hindi lang dito kundi pati sa ilang international film festivals.

Okay naman daw kay Allen ang gumawa pa ng drama series, basta maganda ang project kagaya nitong Return to Paradise.

“Sa Return to Paradise, very challenging ‘yung role ko bilang si Lucho. Siya ‘yung head ng sindikato ng sabong. May shades ‘yung character, pero siya ang magliligtas dito sa love of his life na pinu-portray naman po ni Ms. Eula Valdes.

“Siyempre po, ang advantage ng nakikita ka sa television at familiarity po ‘yun,” saad ni Allen sa nakaraang mediacon ng Return to Paradise.

Last Sunday ay iniluklok na si Allen sa Hall of Fame sa kategoryang Best Actor ng FAMAS 2022.

Ang bongga nga niya, dahil kahilera na niya ang mga Hall of Famers na sina Fernando Poe Jr., Joseph Estrada, Eddie Garcia, Charito Solis, Nora Aunor at Vilma Santos.

 

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with