^

PSN Showbiz

Ate Vi, madalas na ulit lumabas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, madalas na ulit lumabas!
Vilma, Cong. Ralph at Ryan.

Simula noong magkaroon ng pandemic, hindi na nakatuntong si Ate Vi (Vilma Santos) sa House of Representatives, dahil sa tagubilin ng IATF na huwag lumabas ng bahay ang nasa age level niya, at saka nag-self isolate na rin siya talaga dahil sinasabi namang kailangan mag-ingat na siya at baka  tamaan pa ng COVID.

Bago ang COVID pandemic, kung wala siya sa office niya sa House o may session, nasa Lipa naman siya at nakikipag-meeting sa mga barangay. Pero talagang napilitan siyang mag-isolate dahil sa takot sa COVID.

Kaya nga tuwang-tuwa ang mga tao sa House of Representatives nang makita siyang muli noong isang araw, at siya rin naman ay natutuwa dahil sabi nga niya “it is like co­ming home.”

Kasama niya ang kanilang anak na si Ryan, sinaksihan nila ang panunumpa ni Deputy Speaker Ralph Recto, matapos siyang italaga sa tungkuling iyon.

Deputy speaker din naman si Ate Vi at ilang ulit natin siyang nakita bilang presiding officer sa kongreso.

Inaasahan naman talagang makukuha ni Congressman Ralph ang puwestong iyon.

Kung iisipin, ilang term na ba siyang nanungkulan bilang senador? At senate president pro-tempore pa.

Anyway, at least naman ngayon unti-unti na ulit na­giging visible si Ate Vi.

Coco at Julia, malakas ang ugong sa Batang Quiapo

Siguro nga sandali lang mapapahinga si Coco Martin, dahil maugong na ngayon ang usapan na sisimulan niya ang isa pang malaking proyektong kuha rin sa ginawa ni FPJ (Fernando Poe Jr.), ang Batang Quiapo.

Naging napakalaking hit ng pelikulang iyon na pinagtambalan nina FPJ at Maricel Soriano.

Hindi lang namin alam kung anong magic na naman ang gagawin nila para ang kuwento ng isang oras at kalahating pelikula ay paabutin ng kung ilang taon.

Si Coco naman eh, ginagamit lamang ang pangalan ng character pero hindi ang istorya. Tingnan nga ninyo iyong Probinsiyano, naging taga-lungsod, naging taga-bundok pa. Kulang na lang magpunta sa abroad, pero probinsiyano pa rin.

Ang tsismis rin, baka ang maka­tambal niya ay ang kanyang “rumored” real life partner na si Julia Montes.

May mga lumalabas na chismis na diumano’y buntis si Julia at made-delay ang Batang Quiapo baka ikonek ‘yun doon.

Wholesome actress, naghuhubad na rin

“Mukha na siyang luoy. Kuluntoy na,” ang comment ng ibang fans na nakakita ng nude pic ng isang dati ay wholesome female star na mukhang pumapasok na sa bold ngayon.

Aba eh kung hindi siya magbo-bold wala na siyang pag-asa.

Kaya lang, nasanay na nga siguro ang mga tao na ang tingin sa kanya ay napakaganda, lalo na noong partner pa siya ng poging-pogi niyang boyfriend noon.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with