^

PSN Showbiz

Jane pinapa-cancel, binuhay ang pagiging kakampink

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane pinapa-cancel, binuhay ang pagiging kakampink
Jane de Leon.

Tuloy na tuloy na ang pamamaa­lam sa ere ng Ang Probinsyano ni Coco Martin after seven years.

Ang actor/director na mismo ang nagsalita: “Mga ka-Probinsyano. Dumating na po ang oras. Ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na ang pagtatapos.

“Malungkot man na tayo’y maghihiwalay, pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman,” pahayag ni Coco sa kanyang video message.

Maraming beses napabalitang tatapusin ang Probinsyano pero ‘di naman nangyayari.

This time, sure na sure na.

Papalit ang Darna: The TV Series starring Jane de Leon and Joshua Garcia.

Pero kahapon ay may pa-cancel culture na nagaganap - trending ang #BoycottDarna. Ang sabi sa mga tweet, dahil Kakampink si Jane kaya’t ibo-boycott nila.

Maaalalang kasama si Jane sa mga sumampa sa stage sa huling araw ng kampanya ni former Vice President Leni Robredo na natalo sa pagka-presidente.

Mabilis naman ang ibang Kakampink at Kapamilya fans sa pag-counter sa nasabing hashtag.

Kamakailan lang inilabas ang trailer ng Darna na umani ng milyun-milyong views.

Gaganap na Valentina si Janella Salvador at dinirek ng batikang si Chito Roño. May special participation si Iza Calzado bilang original na Darna sa palabas.

Pero bakit kaya biglang nabuhay ang pagiging Kakampink ni Jane eh parang ang tagal nang tapos ng election? July na at magaganap na nga ang kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos.

Bardagulan biglang nauso, Direk Joel gustong gawan ng crowdfunding

Tuloy ang pakikipag-bardagulan ni former COMELEC Commissio­ner and now Rep. Rowena Guanzon sa director ng pelikulang Maid In Malacañang na si Darryl Yap.

Inilabas ni Rep. Guanzon ang mga dating tweet ng director tungkol sa batang karelasyon noong 2017.

Inamin pala noon ni Direk Darryl na minor ang kanyang karelasyon na tumagal ng seven years at kinumpirma niya nung may magtanong sa kanya tungkol dito : “But you publicly posted that you had a 7-year relationship with a minor. Mind explaining that one?,” tweet ng isang Jericho Timbol.

Sumagot ang controversial director ng “Pedophile na ako nun? I had – Yes. We lasted for 7 years” ang palitan nila ng tweet na twineet ni Rep. Guanzon sa isang collage photo.

Aside from, Rep. Guanzon, may bardagulan din sina Direk Darryl and Direk Joel Lamangan.

Ito ay matapos kontrahin ni Direk Joel ang ilang eksena sa latest obra ng batang director at nangakong gagawa ng pelikulang itatapat daw niya sa Maid In Malacañang.

Hahanap lang daw siya ng producer na agad namang maraming nagplano ng crowdfun­ding.

In all fairness, ang ingay ng nasabing pelikula ni Direk Darryl na pinagbibidahan nina Cesar Montano and Ruffa Gutierrez na showing na sa Aug. 3.

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with