^

PSN Showbiz

Zsa Zsa, malayo ang biniyahe para sa kasal ng anak; Hidilyn, sa Baguio ikakasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa, malayo ang biniyahe para sa kasal ng anak; Hidilyn, sa Baguio ikakasal
Zsa Zsa Padilla.

Ang saya ni Zsa Zsa Padilla na nag-Facebook live habang namamasyal sa City of Nis sa Serbia.

Kararating lang doon ng Divine Diva para daluhan ang wedding ng anak nila ni Mang Dolphy na si Zia.

Nakatakdang ikasal si Zia sa long-time Serbian boyfriend niyang si Aleksa.

Sinundo nila si Zsa Zsa sa airport, kasama ang ama ni Aleksa.

Nagbiyahe pa raw sila ng tatlong oras galing City of Nis papuntang airport.

Sumunod na araw ay namasyal na si Zsa Zsa at idinaan niya sa jogging ang jetlag niya.

Makaluma ang pagkaka-describe niya sa City of Nis, na napakaganda namang tingnan.

Hindi niya nabanggit ang eksaktong araw ng wedding, pero sa linggong ito raw gaganapin, at hinihintay niya ang pagdating doon ng partner niyang si Arch. Conrad Onglao na dadalo rin sa kasal.

Dapat nga ay ka-join din si Karylle, pero kailangan ito sa It’s Showtime na magsisimula na ang back-to-back sa Lunch Out Loud sa TV5 sa dara­ting na Sabado.

Pero sobrang saya ni Zsa Zsa para sa kanyang anak na magsi-settle down na rin.

Nung Linggo lang ay ginunita nila ang araw ng pagpanaw ni Mang Dolphy na 10 years na palang namayapa.

Samantala, bago matapos ang buwang ito ay nakatakda na ring magpakasal ang first Olympic gold medalist nating si Hidilyn Diaz sa kanyang coach-fiance na si Julius Naranjo.

Wala pa silang ina-announce na date ng kasal, dahil may mga hinihintay pang papeles.

Pero pinaghahandaan na nila ito ngayon, dahil sa Baguio ang venue ng wedding.

Kung naalala n’yo nung nakaraang taon ay July rin ang Olympics na kung saan nasungkit ni Hidilyn ang gold medal sa Weightlifting. Kaya baka isabay na niya ito sa first anniversary ng pagkapanalo niya ng gold sa nakaraang Tokyo Olympics, na siyang nagpabago ng buhay ni Hidilyn Diaz.

Kim, may nilinaw sa kanyang ka-mars

Nilinaw ni Kim Atienza sa nakaraang mediacon ng bagong game show nilang TiktoClock na maayos siyang nagpaalam kina Camille Prats at Iya Villania bago niya tinanggap itong bagong show na ipapalit sa timeslot ng Mars Pa More.

Sabi ni Kuya Kim, mas mabuting sa kanya raw manggaling at magsabi na mismo kina Camille at Iya. “Two months bago natapos ang Mars Pa More, sinabi sa amin ni Charles (Koo, ang Program Manager ng Mars at TiktoClock) na ‘guys, wala na ang Mars Pa More. Ako din akala ko wala na rin ako, wala na ang Mars Pa More.

“On the same day, Charles talked to me…management on the same day na dun sa bagong show kasama ako. Nagulat ako. Kasama pala ako dun.  Akala ko wala na ang Mars Pa More, wala na din ako.

“And dilemma ko ngayon is how to tell Cams and Iya… alam mo sa showbiz minsan, ang daming nangyayari, ikaw ang huling nakakaalam.

“Sabi ko, it’s my duty now, it’s my responsibility to tell Cams and Iya first and foremost, bago makaaabot sa kanila galing sa iba na kasama ako sa TiktoClock.

“So, the minute that Charles told me that I was part of TiktoClock, I asked permission to Charles. Sabi ko, ‘can I tell Camille and Iya, because ayoko sa iba manggaling.’

“So, I called them right away on that same day. Sabi ko ‘I’m part of the new show. I just found out now, through Charles that I’m part of the new show. And then, mabait yung dalawa…’Kim, we’re so happy for you. We will pray for you. I hope you will succeed,” mahabang paliwanag niya.

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with