^

PSN Showbiz

Unang show ni Kean Cipriano bilang solo artist sold-out

Pilipino Star Ngayon
Unang show ni Kean Cipriano bilang solo artist sold-out
Litrato ni Kean Cipriano, dating bokalista ng Callalily, habang nagpe-perform
Mula sa Instagram account ni Kean Cipriano via John Paul Abarca

MANILA, Philippines — Simot ang tickets sa show ni Kean Cipriano sa Winford Manila Resort & Casino nitong Sabado na siyang unang performance niya bilang solo artist matapos kumalas sa bandang Callalily, kung saan nagsilbi siyang bokalista nang 17 taon.

Ani ng Chief Executive Officer ng music label na OC Records, sobrang kabado siya bago magtanghal lalo pa't sa kasalukuya’y maraming binabato sa kanya nang napagdesisyunang piliin ang sarili niya.

“Oftentimes, people will loosely label you as selfish for choosing what’s best for you. Let them negate their world. I continue to eat judgment for breakfast,” sabi ng singer sa Instagram post, Linggo.

“All I can say, at this point in my career, is never let outside noise steer you away from what your soul is saying. Move if you must, jump if need be.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kean Cipriano (@kean)

Lubos namang nagpasalamat ang actor-musician sa lahat ng dumalo sa kanyang show: “Thank you universe for a sold out show. I am truly grateful to each person that came through,” saad niya.

“Sobrang sarap ng tugtog kagabi. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal. Can’t wait for the next one,” dugtong pa ni Kean.

Nito lamang nakaraang linggo nang magpasaring ang kanyang former bandmates kung saan sinabi nilang naghahanap sila ng bagong bokalista na mananatili sa kanilang banda.

“Help! Naghahanap [k]ami ng magandang name ng vocalist na papalit, yung tunog nag-sstay. Suggest kayo dali!" saad nila sa paskil. Mapapansing binago na rin ang pangalan ng band — mula sa Callalily ay naging Lily na lang ito.

Para kay Kean, tapos na ang Callalily.

“Callalilly is done. I’m moving on, I’ve moved on, moving forward and I wish them all the best," wika niya sa isang pahayag.

“I think in a group na magkakasama for 17 years, marami na rin nangyari and... medyo matagal na rin kaming hindi okay, so alam mo ‘yun? Parang ibang chapter for us,” dagdag pa niya. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

CALLALILY

CONCERT

KEAN CIPRIANO

ORIGINAL PILIPINO MUSIC

ROCK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with