^

PSN Showbiz

Billy Crawford, Kapuso na ulit?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Billy Crawford, Kapuso na ulit?!
Billy Crawford.

Kasama si Matteo

Ang dami na­ming naririnig na mga bagong programang sisimulan ng GMA 7. Kaya walang katiyakan kung ano ang unang gagawin ng ilang bagong lipat sa Kapuso network.

Isa na nga sa malakas na pinag-uusapang magiging Kapuso ay si Matteo Guidicelli.

Ang unang narinig namin ay siya raw ang maghu-host ng bagong show na Battle of the Judges kasabay ng The Clash na nasa 5th season na. Pero wala pang kinukumpirma ang dalawang show na ito.

May nagsabi ring may drama series na gagawin si Matteo, kaya abangan na lang.

Ang isa pang narinig naming programang mapapanood na sa GMA 7 ay ang dating napapanood na game show sa TV5 na The Wall.

Ang narinig namin, si Billy Crawford pa rin daw ang maghu-host. Kaya bale balik-Kapuso ang singer/TV host.

At kung totoo, ang suwerte na rin ni Billy na araw-araw na siyang mapapanood sa TV.

Lunes hanggang Sabado siya sa Lunch Out Loud sa TV5 at sa GMA 7 naman siya sa Linggo para sa The Wall.

Abangan na lang natin ang official announcement mula sa GMA 7, dahil hindi pa naman ito kinukumpirma sa amin.

Mga baguhang artista, tambak-tambak na

Dahil sa rami ng mga bagong TV shows na aabangan natin, marami na ring mga bagong mukha ang ilulunsad.

Ang bongga nga ng Sparkle ng GMA 7 na ang daming promising new faces ang ipinakilala nila.

Ang guguwapo lahat ng Sparkle boys na humarap sa virtual mediacon nung nakaraang Miyerkules.

Super guwapo at pang-matinee idol sina Raheel Bhyria, Vince Maristela, Larkin Castor, Sean Lucas at Michael Sager.

Kasama sina Raheel at Vince sa bagong wattpad na Luv Is: Caught in Your Arms na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Pero bukod sa mga bagong mukhang ito ng GMA 7, patuloy rin sa pagtuklas ng bagong mukha ang Creative Talent Management ni Ms. Therese Ramos.

Itong naturang talent agency ang nagha-handle kina Pilar Pilapil, Roi Vinzon, Jeff Gaitan at marami pa. Pero sabi ni Therese, gusto niyang mag-gamble sa mga bagong mukha dahil papasukin na rin daw nila ang movie production.

Ipinakilala nila si Andrew Cue ng Cagayan de Oro na nag-4th runner-up sa katatapos lang na Mister International-Philippines 2022.

Itutuloy na ni Andrew ang kanyang showbiz career sa ilalim ng Creative Talent Management.

Bukod kay Andrew, kasama rin ang 14 years old na apo ng dating Sen. Jamby Madrigal na si Kelly Madrigal.

Magbabakasali rin ang pamangkin naman ng bagong DILG Secretary Benjur Abalos na si Andrea Abalos, at ang dating child actress na si Kimberly Fulgar.

Si Andrea ay naka-focus muna ngayon sa pagsali niya sa Century Tuna Superbods.

Hindi niya gaanong na-prioritize ang pag-aartista, dahil mas naka-focus siya sa modeling.

Pero nandiyan pa rin ang pangarap niyang maging doktor kagaya ng kanyang ama.

Sila raw ‘yung nasa pamilya ng Abalos na hindi nalilinya sa pulitika.

“I wanna go into the medical field. I want to be a doctor like my dad.

“Actually ‘yung dad ko lang ang hindi na-engage sa politics sa kanilang magkakapatid,” pakli ng 21-year-old model nang nakatsikahan namin sa Club Filipino nung nakaraang linggo.

Hindi raw niya naiisip na malaking edge na may Abalos sa pangalan niya, dahil ang mahalaga ay may talent kang maipapakita.

Ganundin ang paniniwala ni Kelly Madrigal na inaming hindi naman siya gaanong close sa lola niyang si dating Sen. Jamby Madrigal.

Hilig din ni Kelly ang pag-aartista at may character ang mukha niya. Pero ang isa sa gusto niyang matupad ay maging scientist.

Magbabalik naman sa pag-aartista ang dating child actress na si Kimberly Fulgar na 20 years old na ngayon.

Nag-focus muna siya sa kanyang pag-aaral nung nasa awkward age siya.

Pero ngayon ay gusto na niyang bumalik dahil magaling naman siya umarte.

Naging bahagi si Kimberly sa General’s Daughter, at hinding-hindi raw niya makakalimutan si Angel Locsin na napakabait sa kanya.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with