^

PSN Showbiz

VVIP, VIP tickets ng Donbelle finale concert, sold-out na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
VVIP, VIP tickets ng Donbelle finale concert, sold-out na
Belle
STAR/ File

Sabik na sabik na ang fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano para sa HIH All Access, ang finale concert para sa serye nilang He’s Into Her, dahil sold-out agad ang VVIP at VIP tickets wala pang isang oras nang i-release ito.

Gaganapin ang espesyal na finale concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 27, 8 p.m. at ito ang magsisilbing regalo para sa mga manonood sa pagtatapos ng second season ng He’s Into Her.

Makakabili pa rin ng tickets sa ticketnet.com para sa Patron A (P2,000), Patron B (P1,500), Lower Box (P1,000), Upper Box (P500,) at Gen Ad (P200).

Bukod kina Donny at Belle, magpapakilig din ang kanilang mga co-star na sina Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Joao Constancia, Criza Taa, Turs Daza, Dalia Varde, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Limer Veloso, Mikha Lim, JC Alcantara, Shanaia Gomez, Rajo Serrano, Zach Castañeda, River Joseph, CJ Salonga, at Reich Alim.

Sa kasalukuyang takbo ng kwento ng He’s Into Her, patindi nang patindi ang mga problema sa relasyon nina Deib at Max (Donny at Belle) dahil pinaghihiwalay sila ng kani-kanilang mga pamilya. Ngunit ayaw sukuan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan matapos nilang mangako sa isa’t isa na ipaglalaban nila ito at itatago na lang muna nila ang kanilang relasyon sa iba.

Grabe ang kilig ng netizens at fans sa DonBelle tandem dahil bagay talaga sila.

DONNY PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with