^

PSN Showbiz

Morissette Amon, Dave Lamar inalala inulan nilang kasal

Philstar.com
Morissette Amon, Dave Lamar inalala inulan nilang kasal
Litrato ng mang-aawit na si Morissette Amon at asawang si Dave Lamar noong araw ng kanilang kasal, na siyang inulan.
Mula sa Instagram account ni Morissette Amon

MANILA, Philippines — Nagmarka nang husto sa first wedding anniversary ng singer na si Morissette Amon at asawang si Dave Lamar ang sungit ng panahon noong sila'y mag-isang-dibdib, bagay kung saan inihahalintulad nila ang kanilang pagsasama.

Sa Instagram post kasi ng singer, sinabi niyang bagama’t umulan noong kasal nila, nagsilbi lang itong paalala kung paano inayos ng Diyos ang kanilang buhay pag-ibig habang nilalampasan ang mga hamon.

“Although there were heavy rains that day, I was only reminded of how God orchestrated our love story and got us through it all,” ani Morissette, Martes. 

"Like an umbrella, He is the one who unites and shelters us with His love and grace. And so despite the many storms in life, with Him in the center, we will continue to dance in the rain."

Inalala ni Morissette ang kanilang masayang intimate outdoor wedding sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan mula sa kanilang espesyal na araw sa kanyang Instagram page. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

Inilarawan ni Morissette si Dave bilang “the fire to my ember” at binanggit ang mga pagkakataong inalagaan siya nito noong siya ay nabu-burn out sa trabaho. 

“It’s been such a beautiful journey so far, thank you for holding my hand with every step, and I will also continue to take care of you like the MVP that you are in my life,” sabi ni Morissette sa asawa.

Gayundin naman ka-sweet ang mensahe ng kanyang asawang si Dave sa sariling IG post.

Ikinumpara niya rin ang malakas na ulan sa araw ng kanilang kasal sa mga plano nila ng misis.

"We had planned for an outdoor wedding from ceremony to reception. But fifteen minutes before we were [supposed] to start, the rain poured!" pag-ala-ala ni Dave. "…Plans changed but we still pushed through and everything still turned out beautiful and exactly how God wanted it."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dave Lamar (@davejlamar)

Para kay Dave, "foreshadowing” lang daw ang malakas na ulan sa mga paparating na bagay dahil pareho silang naghahanda at nagplano. Sa kabila nito, gumagalaw naman daw ang Diyos palagi at itinuturo kung saan sila dapat pumunta.

Inilarawan din niya ang kanyang oras kasama si Morissette bilang isang "pribilehiyo” habang fini-figure out pa raw ang buhay.

Sa ngayon, masaya ng dalawa sa kanilang trabaho at buhay mag-asawa. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

DAVE LAMAR

MORISSETTE AMON

RAIN

WEDDING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with