^

PSN Showbiz

Jake, inamin ang pinaka-wild na ginawa sa buhay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake, inamin ang pinaka-wild na ginawa sa buhay
Jake Ejercito.

Suwerte rin si Jake Ejercito.

Since magdesisyon siyang mag-showbiz, hindi na siya napahinga.

After Marry Me, Marry You and The Marriage Broken Vow, kasama siya sa apat na ‘lalaki’ ni Ivana Alawi with Gerald Anderson, Sam Milby and Jameson Blake sa A Family Affair.

Ayon kay Jake, nang makita pa lang niya ang script nitong A Family Affair, talaga raw malala na agad. “Hanggang ngayon ‘pag nagbabasa kami ni James, ‘pag dumarating ‘yung script namin ‘bro nabasa mo na to?’ Grabe ang lala every week there’s something, ‘di ba, bro? Kaabang-abang kahit kami nagugulat kami.”

So anong feeling niya na isa siya sa masasabing in demand actors sa kasalukuyan? “Wow, tulad sa sinabi ko kanina I feel fortunate and kapag naman may dumarating na offer or project syempre I always take it as a challenge. Opportunity to you know better my craft to learn from my co-actors lalo na ngayon kasama ko sila Sam, James and Ivana. Malaking factor din yung kung bakit ko tinanggap yung project na ‘to kasi nga sa set namin nakaka-inspire silang katrabaho. They make me want to elevate my craft din,” pahayag ni Jake sa zoom interview.

Paano niya ina-assess ang mga project na kanyang ginagawa?

“Well, all I can say is, personal ko lang na nararamdam I am more comfortable now compared to when I started in Marry Me and then Broken Marriage. Ngayon natutunan ko nang i-enjoy ‘yung ginagawa ko. I don’t want to assess my performance. Ang alam ko lang ‘yun nga mas kampante ako mas nakakapaglaro na ako sa set,” aniya pa.

 Anong reaction ng mom niya at ng anak na si Ellie kapag pinapanood nito ang mga project niya?

“‘Yung reaction ng mom ko lalo na sa trailer ng Family Affair nagulat siya kasi I never tell her about it kung pano ‘yung character ko sabi ko lang playboy ganyan. So nung nakita niya that specific scene na kasama sa trailer nagulat din siya.”

Ang dating actress na si Laarni Enriquez ang mommy ni Jake.

Is this your most daring role? “Oo, definitely compare to the past two characters mas emotionally demanding din yung script na ito.”

Ano ang wildest thing na nagawa niya sa kanyang buhay?

“Oh my gosh! Para safe ano na lang sa skydiving. What a safe and boring answer. I did it in Louisiana. I didn’t know na mag-i-skydive ako. So, it started we’re having drinks lang. Happy hour kami ganyan tapos guys ano I’m gonna take you somewhere. I want to show you some place ganyan ganyan. Naka blind fold pa kami. When we got there nandun na ‘yung plane, nandun na ‘yung ano,” pero worth it daw ang lahat at dagdag niya “I’d love to do it again.”

Nag-umpisa nang mapanood ang A Family Affair last Monday.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with