^

PSN Showbiz

Probinsyano, totohanan na raw ang pagtatapos sa July  

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Probinsyano, totohanan na raw ang pagtatapos sa July     
Coco Martin at Charo Santos-Concio.

Sasabak sa isa na namang matinding sagupaan si Cardo (Coco Martin) matapos niyang makipagsanib-pwersa sa itinuturing niyang pangalawa niyang nanay na si Ramona (Charo Santos-Concio) sa FPJ’s Ang Probinsyano na diumano’y totoong-totoo ang pamamaalam sa ere sa July 31.

Sa wakas nga ay nagising na si Cardo matapos siyang maiwang nag-aagaw buhay sa kalsada. Laking gulat ni Cardo nang malaman niyang iniligtas siya ni Ramona, ang nanay-nanayan niyang kumupkop sa kanya noong binata pa siya.

Ang buong akala ni Cardo ay napatay si Ramona dahil sa isang madugong engkwentro noon.

Si Ramona kasi ay isang lider ng mga armadong lalaki na nagtipon-tipon upang makipaglaban para makamit ang kapayapaan sa bansa.

Ibinunyag din sa mga nakaraang episodes na si Ramona ang nagturo kay Cardo (Nash Aguas) noong bata pa siya kung paano makipaglaban at paano humawak ng baril.

Anyway, supposedly daw ay three days lang  ang original taping days ni Madam Charo pero naging six days at hindi alam ng ibang artista ng serye kung kasama pa ito sa taping nila sa Batangas at kampo sa Tanay.

Pero ang sigurado raw, umaatikabong ratratan ang magiging katapusan ng Ang Probinsyano after seven years sa July 29.

Kailangan na raw umere ng Darna bago ang ghost month sa first week of August.

 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with