^

PSN Showbiz

Diego, patung-patong ang pressure

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Diego, patung-patong ang pressure
Cesar Montano at Diego Loyzaga.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatrabaho ang mag-amang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga sa isang pelikula.

Simula July 20 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Maid In Malacañang kung saan gagampanan ng dalawa ang mag-amang sina Ferdinand at Bongbong Marcos.

Kahit excited si Diego ay aminadong nakararamdam daw pressure para sa bagong proyekto. “This has been a long time coming. I’ve been dying for this moment. Everything happens for a reason. We’re playing the late president and the President-to-be, patung-patong ang pressure. It’s not just I’m working with my dad for the first time. The person I’m portraying isn’t just a regular character. I’m playing the role of a very, very important man. It’s a very big deal. I feel the pressure, but it’s exciting,” paliwanag ni Diego.

Para sa binata ay magandang pagkakataon din ito upang makakuha ng mga kaalaman mula kay Cesar bilang  isang magaling na aktor. “It has been a dream of mine that we do a film together since I met him. Since I joined showbiz, since I was younger, since I was a kid. For sure, I’ll learn so much from him. If ever that we’ll do something together, now is the perfect time,” giit ng aktor.

Bukod sa mga sinehan ay mapapanood din sa iba’t ibang streaming platforms ang bagong pelikula mula sa Viva Films.

‘Ako ang imahe ng mga petite!’ - Chie

Masayang-masaya si Chie Filomeno dahil kahit noong kasagsagan ng pandemya ay hindi raw nawalan ng mga proyekto.

Matatandaang naging Pinoy Big Brother housemate din ang aktres noong isang taon. “Prior to joining PBB, marami pa rin namang projects which is I am grateful for also. Kasi after PBB, may mas nakita sa akin ‘yung tao ang ang gandang platform din ng PBB para makilala kung sino rin ako,” bungad ni Chie.

Naging calendar girl ang sexy actress para sa isang sikat na alak kaya ngayon ay puspusan pa rin ang kanyang pagwo-workout upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan. “Balik workout kasi ilang years din tayo nasa pandemic at nasa bahay lang so kondisyon ko ‘yung katawan ko, isip ko rin. Okay lang sa akin kasi parang ang sexy for me. Hindi lang ‘yun showing of skin, naka-bikini lagi. Sexy for me is the way you think also. I’m petite kasi. So ako ‘yung imahe ng mga petite na babae or lalake na hindi sila comfortable dahil petite sila. Kailangan din nila i-embrace ‘yon. Kasi iba-iba naman tayo ng katawan and as long as alam mong healthy ka, okay ‘yon,” paliwanag niya.

Iba’t ibang reaksyon ang natatanggap ni Chie dahil dahil sa pagiging calendar girl. Ayon sa aktres ay hindi lamang mga kalalakihan ang nagandahan sa kanyang ginawa kundi maging mga kababaihan din. “Flattered sa mga attention na nakukuha ko from guys. Pero ako kasi, I know myself. I can carry myself and I can deny them in a respectful way. Sa girls, I love that. Because I admire girls so much. Kasi tayo rin ang mag-a-uplift sa isa’t isa,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with