^

PSN Showbiz

Aljur at Kylie ‘di nagka-second chance dahil kay AJ!?

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Aljur at Kylie âdi nagka-second chance dahil kay AJ!?
Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Totoo kaya ang nabasa ko sa Pang Masa (sister publication ng Pilipino Star NGAYON) tungkol kina Aljur Abrenica at AJ Raval na magkakaroon na sila ng baby?

Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sila Aljur at Kylie Padilla?

Akala pa naman ng lahat, puwede pang magkaroon ng ayos ang relasyon ng dating mag-asawa dahil sa dalawang anak nila.

Sayang naman dahil kahit away-bati lagi naman eh nagkakasundo uli ang dalawa.

Well, talaga siguro na ganyan ang buhay, mapaghamon talaga ang mga pangyayari.

Hindi na nga siguro magkakaroon pa ng chance sila Aljur at Kylie dahil meron na nga raw AJ Raval sa pagitan nila.

How sad para sa dalawang anak nila.

Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo.

We both wish them happiness.

‘Hugot’ ni Dennis ‘di nakalusot

Sabi ko na nga ba at magiging issue ang ‘hugot’ ni Dennis Padilla sa hindi pagbati ng mga anak niya noong nakaraang Father’s Day.

Hindi naman siguro gusto ni Dennis na maging issue ito kaya nga lang dahil naging open siya sa nararamdaman niya, heto at sumagot na ang anak niyang si Leon.

Hindi naman mahalaga ang pagbati kung tutuusin, mas mahalaga iyon nasa puso ka ng mga anak mo.

Kadalasan nga, mas importante pa iyon kausap mo lang ang isang tao kesa sa ibibigay niya sa iyo na regalo.

Ganyan din sa pagbati, mas gugustuhin mo na magkasama kayo kesa sa binabati ka lang sa phone o text o sulat.

Basta huwag nang magtampo si Dennis, dapat lang tiyakin niya na mahal siya ng mga anak, na talagang nasa puso nila si Dennis bilang ama.

Lalo pa nga at hindi sila magkasama sa iisang bahay kaya mas maganda na feel ng mga anak niya ang presence niya as their father, at mahal siya ng mga ito.

KYLIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with