^

PSN Showbiz

Dennis, nag-sorry sa anak!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Dennis, nag-sorry sa anak!
Dennis Padilla

Bumanat ang anak na lalaki nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Leon sa tatay niya at nagtanong pa kung bakit daw ba parang gustung-gusto ng ama na ipahiya sila sa publiko.

Iyon ay matapos na punahin niya ang mga anak na ni hindi raw siya binati noong Father’s Day.

Tila apologetic naman si Dennis sa kanyang naging sagot sa banat ng anak, at sinabi pa niyang “sorry, na-miss ko lang kayo.”

Masakit nga lang siguro talaga para sa isang tatay na halos hindi ka kinikilala ng mga anak mo, pero naroroon na sila sa ganoong sitwasyon.

Noong hilingin ng kanyang mga anak sa korte na ang gamitin nilang apelyido ay Barretto, sunod sa nanay nila at alisin na sa mga legal na record nila ang apelyidong Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis, ano pa ba ang kahulugan noon?

Baka nga advantage ni Julia iyon dahil artista siya, at sa showbiz mas matindi ang dating ng apelyidong Barretto dahil na rin sa naging kasikatan bilang mga aktres ng dalawang tiyahin niyang sina Gretchen at Claudine.

Maging ang kapatid ni Julia na sina Claudia at  Leon nga ay pinapalitan din ang kanilang apelyido kaya ano pa nga ba ang dahilan kundi pinuputol na nila ang lahat ng karapatan ng kanilang ama, at inaalis na rin nila ang lahat ng responsibilidad noon sa

kanila.

Kaya kung tutuusin, dapat pa bang ikasama ng loob ni Dennis na hindi siya nabati noong Father’s Day ng mga anak eh inalis na nga ang apelyido niya sa pangalan nila?

Inaamin naman ni Dennis na nagkaroon siya ng pagkukulang sa kanyang mga anak, lalo na noong nawalan siya ng trabaho.

Hindi namin alam kung may iba pa bang dahilan bukod doon, pero sa takbo ng mga pangyayari ang dapat nga siguro ay huwag nang umasa si Dennis at mag-move on na.

After all may iba naman siyang mga anak na babati sa kanya ng Happy Father’s Day.

Joaquin, bawas ang appeal dahil sa anak

Ang nanay pala ng magiging anak ng baguhang male star na si Joaquin Domagoso, ay si Raffa Castro, na anak naman ng dati ring actor at news broadcaster ngayon na si Diego Castro sa kanyang pangalawang asawang si Rina Rosal.

Iyon kasing isa niyang anak na nag-aartista na rin, anak niya iyon sa unang girlfriend, si Raven Vilanueva na nakasama niya noon sa isang teen show sa TV. Ngayon ang totoong asawa na ni Diego ay si Angela Lagunzad, na news person din sa One Ph.

Anyway, dalawang buwan na raw naman ang anak nina Joaquin at Raffa, at hindi naman nila iyon itinatago.

May epekto ba iyon sa nagsisimula pa lamang na career ni Joaquin bilang isang actor? Palagay namin ay malaki ang epekto.

Hindi maikakaila na matinee idol din naman kasi ang dating niya. Pantasya ng bayan. Eh kung ganyang may anak na pala siya.

Matagal nang nababalita ang pagiging batang ama ni Joaquin.

Male star, dumidirekta na sa kliyente

Mukhang nawawalan na ng gana, at gusto na raw bitiwan ng kanyang “manager” ang isang baguhang male star.

Ang unang dahilan, parang nahihirapan siyang isulong ang career nito. Pangalawa, lumilitaw na ang katotohanan na iyon pala ay gay din.

Ang matindi sa lahat, gumagawa raw pala iyon ng “sariling sideline” na hindi alam ng kanyang manager.

“Direktor pala siya” na ang ibig sabihin pala ay “dumiderektang contact sa kanyang mga nagiging clients”.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with