^

PSN Showbiz

‘Depende sinong ex’: Bea Alonzo sa tanong kung game makatrabaho dating nobyo

Philstar.com
âDepende sinong exâ: Bea Alonzo sa tanong kung game makatrabaho dating nobyo
Litrato nina Gerald Anderson (kaliwa), Bea Alonzo (gitna) at Zanjoe Marudo (kanan)
Video grab mula sa Youtube channel ni Barbie Forteza; Mula sa Instagram nina Gerald Anderson at Zanjoe Marudo

MANILA, Philippines — "Depende kung sinong ex" — iyan ang naging tugon ni Bea Alonzo nang tanungin ni Barbie Forteza kung willing ba siyang makatrabaho ang isa sa kanyang mga ex-boyfriend.

Ani Bea, walang problema sa kanya kung si Zanjoe Marudo ang makatrabaho niya uli sa showbiz dahil hindi naman daw masama ang kanilang hiwalayan.

"Until now we’re friends [ni Zanjoe]. It would be disrespectful to our relationship if we ended badly," ani Bea sa Youtube channel ni Barbie na in-upload, Linggo.

"Isa lang naman ‘yung ayokong ex," dagdag niya habang walang pinapangalanan.

 

 

Taong 2019 nagkalabuan at naging kontrobersiyal ang relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, bagay na naging talk-of-the-town. Ibinunyag kasi ni Bea noong bigla siyang "ghinost" o hindi na lang kinausap ng Kapamilya actor. 

Naging matunog ang pangalan ni Julia Barretto, na kasalukuyang kasintahan ng aktor, sa hiwalayang Gerald at Bea dahil sa mga kumalat na larawan na sweet moments ng dalawa habang magkasintahan pa ang aktor at aktres.

Kalauna’y inamin din ni Gerald ang pakikipagrelasyon kay Julia habang ipinaliliwanag na guilty siya sa pag-ghost kay Bea.

"Iba kasi kapag may betrayal na factor," patuloy pa ni Bea.

Nang tanungin naman siya ni Barbie kung willing siyang pumasok sa mga romantic scenes kasama ang isang ex-boyfriend, mabilis na tumugon ang aktres na alam naman niya raw ang kanyang hangganan, “Hindi ako takot sa ganon because I know my boundaries as an actor and as a girlfriend to Dom (Dominic Roque)”. 

Sa ngayon ay masaya ang love life ni Bea sa piling ng aktor na si Dominic. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with