^

PSN Showbiz

Heart, ayaw nang gumawa ng pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Heart, ayaw nang gumawa ng pelikula
Heart Evangelista.

Isang bagong negosyo ang sinimulan ni Heart Evangelista kamakailan. Ang aktres ang tumatayong CEO ng Pure Living Beauty Company.

Kahit abala si Heart sa pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa ay sinisiguro namang nakatutok pa rin sa negosyo. “I have a lot of dreams, goals and I don’t think anything can stop me and I will do my best to make sure that I don’t have anything.What ifs?, in life and nagwo-work naman siya,” makahulugang bungad ni Heart.

Kinagigiliwan din ng netizens ang video blogs ng aktres na mapapanood sa sariling YouTube channel. Sa ngayon ay wala pa raw sa mga plano ni Heart ang pagbalik sa telebisyon o pelikula. “For now parang wala pa. I am really enjoying what I do. Para akong nakatikim ng you know, I got to see different world and I really enjoy it. This world is really expressing yourself. You’re not playing a character. You’re yourself and it’s your job to be that. It’s fun,’ giit niya.

Mayroong isang bagong pelikula ang dapat ay gagawin ni Heart. Ayon sa aktres ay hindi niya pa ito matanggap dahil sa iba’t ibang pinagkakaabalahan. “I actually did a film and they want me to film again but hindi kasi kaya ng sche­dule. So it’s really a choice kung kaya mong gawin ng three months or hindi and I am not really sure if I can do that,” pagtatapos ng aktres.

Sid, nasaktan sa water falls

Nagtuluy-tuloy na ang pagpapaseksi ni Sid Lucero sa mga ginagawang pelikula. Napapanood na ngayon sa Vivamax ang Virgin Forest na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Katrina Dovey, Rob Guinto, Micaella Raz, Vince Rillon at Sid. Para sa aktor ay hindi na bago sa kanya ang ginagawang paghuhubad sa mga proyekto. Hindi umano matanggihan ni Sid ang naturang pelikula lalo pa’t si Brillante Mendoza ang direktor nito. “It was a no brainer to work on this film when I found out who was directing. I’ve always been daring in my films. This is not new to me,” paglalahad ni Sid.

Kailangan umanong abangan ng mga manonood ang kanilang mainit na eksenang ginawa sa isang water falls. Nakahubad si Sid kasama ang mga babae sa intimate scenes dito. “It was painful filming on that falls, it hurts. There was nowhere to rest any part of your body. All of us standing on the rocks, it was not easy. We were all naked, respetuhan na lang. My position was lying on those rocks. Ang sakit ng likod ko, there was nothing protecting us from the rocks. It was scary and it wasn’t easy,” nakangiting kwento ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with