KC, kailangan pa rin ang ina
Dapat naman talaga na magkasundo na sina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Mag-ina sila na dapat laging ipinapakita sa lahat ang suporta nila sa isa’t isa. Saka wala namang dapat maging intriga sa mag-nanay dahil kahit anong mangyari, blood will always be thicker than water.
Imposible na magtagal kung meron man silang hindi pagkakaunawaan dahil ano ba ang dapat nila pag awayan.
Meron nang sari-sariling mundo sina KC at Sharon, pero in the end, kailangan pa rin ng anak ang gabay ng ina. Siguro lang different ang case nila dahil nga mga sikat na celebrity sila, kaya lahat ng kilos napapansin. Pero ending niyan, sila pa rin ang magkasamang lalaban sa anumang issue.
Good na andiyan pa rin si Sharon para kay KC dahil iba pa rin ang gabay ng isang nanay sa anak.
Maraming taga-showbiz, pulitika na ang tinatarget
Wow! Ang dami pala na mga taga-showbiz ang papasok sa politics sa year 2025. Siguro nga naloka sila na nag-number 1 si Robin Padilla, at marami nang taga-showbiz ang nanalo sa nakaraang election.
Hindi man pinalad si Herbert Bautista, mataas pa rin ang ranking niya compared sa ibang pulitiko. Kaya nga siguro now gustong-gusto na ng iba na subukin ang politics. Why not? Nakita naman natin na maganda ang naging performance ni Vilma Santos. Kahit ano pang sabihin, matatag pa rin ang mga Revilla sa Cavite.
Talagang magkakabit na ang showbiz at politics. Hindi na puwedeng maghiwalay pa. Kaya tingnan ninyo lahat ng tatakbo sa susunod na election, tiyak na maraming artista ang nasa listahan.
Tiyak na halos lahat ng puwesto merong isang taga-showbiz na tatakbo. Hoping na sana lahat manalo.
- Latest