^

PSN Showbiz

Boyet De Leon, may payo sa dating misis na si Nora

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Boyet De Leon, may payo sa dating misis na si Nora
Boyet
STAR/ File

Na-enjoy ng prem­yadong aktor na si Christopher de Leon ang lock-in taping sa Lolong dahil bukod sa mga co-actor niya at production staff, nakasama pa niya ang anak na si Ian de Leon. “I enjoyed every minute of our bubble taping ni Ian,” pakli ni Boyet nang tinext ko.

Puring-puri ni Boyet itong bagong action-drama na Lolong na pinagbidahan ni Ruru Madrid, at magsisimula na sa GMA Telebabad sa July 4.

Kahit nagkaproblema ito at na-delay nang matagal, sulit naman daw at tiyak na magustuhan ng mga manonood.

At kahit nakakabagot ang matagalang lock-in taping, naka-bonding naman niya roon ang anak na si Ian at natutuwa siyang nakatrabaho ang anak na lalaki kay Nora Aunor.

Natutuwa rin si Boyet na hindi nakakalimot ang mga itinuring niyang anak kay Nora kagaya ni Lotlot de Leon. Touching ang mensaheng ipinost ni Lotlot sa kanyang Instagram para batiin siya nung Father’s Day.

Masaya na rin siyang nagkaayos na sina Lotlot at ng kanyang Mama Guy.

Text ni Boyet: “Ngayon, okay na sila ni Guy…dapat masaya na lahat at dapat wala ng nanggugulo tulad ng mga trolls na walang alam kung hindi manira at wala namang alam sa totoong pangyayari.”

Aware rin siya sa nangyari kay Ate Guy na na-hospitalize kaya dapat na alagaan daw ng original superstar ang kanyang kalusugan. “Nora has to take care of her health. Stop smoking or lessen it then slowly stop,” text niya uli sa akin.

Mayor Lani, nahiya na na-marites si Cong. Sandro

Simula ngayong araw ay ipagdiwang ng lungsod ng Bacoor ang kanilang 10th anniversary ng cityhood sa ilalim pa rin nang panunungkulan bilang alkalde si Mayor Lani Mercado na magi­ging Congresswoman na sa susunod na buwan.

Nakatsikahan nga namin si Mayor Lani sa DZRH nung nakaraang Martes at masaya niyang ibinalita na ang kanilang special guest of honor sa pagsisimula ng kanilang selebrasyon ngayong araw ay si President-elect Bongbong Marcos.

Bukod sa pagdating ni Pres. BBM, marami pa raw aabangang activities sa Bacoor simula ngayong araw. “Sa June 23 magkakaroon po kami ng 6 a.m. mass sa St. Michael Church. At 7:30 a.m. magsisimula po ang Civic parade namin.”

Ito pang marching bands ang ikinatuwa ni Mayor Lani dahil after two years na nanahimik at hindi sila napapakinggang tumutugtog sa kalye, ngayon ay balik na sila.

Ang lungsod ng Bacoor ang dineklarang Marching Band Capital of the Philippines ni Pres. Rodrigo Duterte.

Sa June 25 ay meron naman silang free concert at meron pang Biga10 raffle sa lahat na may hawak ng tickets na ipamimigay sa mga barangay.

Tampok dito ang bandang The Juans, at iba pang kilalang celebrities at talents na taga-Bacoor.

Biniro ko na rin si Mayor Lani kung imbitado ba si Alexa Miro na taga-Bacoor din. “Hindi ko pa siya nami-meet in person, pero balita ko mahusay nga siyang kumanta at mag-emcee. Sana maanyayahan namin siya,” napapangiting pakli ni Mayor Lani.

Natatawa na lang siya dahil nga aksidenteng narinig ang pag-uusap ng incoming Congressman Sandro Marcos sa FB live ni Sen. Bong Revilla na taga-Bacoor pala ang girlfriend niya.

Ayaw nang mag-comment pa ni Mayor Lani dahil sabi nga nila ni Sandro na narinig sa FB live ni Sen. Bong Revilla, sa kanila na lang ‘yun.

Sabi na lang ni Mayor Lani: “Alam mo, I will maintain my status. Kaming dalawa ay may secret. Kasi nahihiya naman ako, Diyos ko! It was a quiet conversation. Hindi ko naman alam na na-pick up nitong paglala-live ng aking asawa. Wala po akong sasabihing iba pa. ‘Yun na lang po ‘yun. Ang dami palang marites pala diyan. Ayoko nang pag-usapan at baka ma-award pa ako!,” pahayag ni Mayor Lani.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with