^

PSN Showbiz

Bugoy, naisipang ipa-abort ang anak noon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bugoy, naisipang ipa-abort ang anak noon
EJ, Bugoy at Scarlet.

Labing-anim na taong gulang pa lamang noon si Bugoy Cariño nang nagbuntis ang kasintahang si EJ Laure.

Kasikatan noon ni Bugoy bilang miyembro ng grupong Hashtags sa It’s Showtime habang kasikatan din noon ng kasintahang Volleyball player ng University of Sto. Tomas.

Inamin ng dating batang aktor na naisipan nilang ipa-abort ang ipinagbubuntis ni EJ noon.

Sa susunod na buwan ay mag-aapat na taong gulang na ang anak ng dalawa. “Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang ‘yung baby. Parang bata pa ako no’n, hindi ko alam na buhay pala ‘yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something,” pagtatapat ni Bugoy sa YouTube channel ni Karen Davila.

Ang dating Hashtags member ang sumusuporta sa kanyang pamilya noong aktibo pa sa show business.

Ang kanya-kanyang career umano ang unang naisip ng magkasintahan noong nabuntis si EJ kaya nakaisip nang hindi maganda para sa bata. “Sabi ko sa sarili ko, o sige para lang mabalik ‘yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra. At para mabalik ‘yung mga shows na ibinigay sa akin. ‘Yung tiwala sa ‘kin ng ABS (CBN), ‘Sige ipalaglag na lang,’” dagdag ng aktor.

Para kay Bugoy ay malaki rin ang naitulong ng sariling ama upang maliwanagan ang isipan noong mga panahon na naguguluhan pa sa mga desisyong gagawin. “’Bunso, ‘pag ‘yan pinalaglag mo, ang bata, huwag mo na akong tawaging tatay. Kapag pinalaglag mo ‘yan, di ka tunay na lalaki.’ Kapag pinalaglag ko pala ito, ito ‘yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko,” pagbabahagi niya.

Sue, hindi nailang sa intimate scenes nila ni Zanjoe

Ngayong Biyernes ay magwawakas na ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo.

Isang masayang karanasan umano para kay Sue na mapabilang sa pinag-usapang serye. “Kaming mga artista, ‘pag pumapasok kami sa set para maging close lahat, hindi lang ‘yung mga co-actors namin. We have to make it a point that we know each other on a personal level,” bungad ni Sue.

Maraming mga bagay ang natutunan ng dalaga mula kina Jodi at Zanjoe nang gawin ang naturang proyekto.

Matatandaang nanatili ng ilang buwan sa Baguio ang kanilang buong grupo para sa ginawang lock-in taping. “Ang dami kong natutunan. Salamat at tinulungan at inalagaan n’yo ako. Lalo ka na Z (palayaw ni Zanjoe). Ang dami naming maseselan na eksena ni Zanjoe pero never kong na-feel na kailangan kong mailang or kailangan kong matakot. Dahil alam ko ‘yung level ng respeto namin sa isa’t isa is very, very professional. Sobra-sobrang thank you kasi ang dami-dami ko talagang natutunan sa inyo,” giit ng aktres.

Ayon kay Sue ay nakilala na niya si Jodi noong mga panahong hindi pa siya nag-aartista. Noon pa man ay talagang napahanga na raw si Sue sa magaling na aktres. “First time ko siyang nakita hindi pa ako artista. She was taping Tayong Dalawa sa village namin sa Parañaque. Nag-bike talaga ako mula sa bahay namin hanggang sa set nila. Tapos nanood ako ng taping nila. Baby pa si Thirdy (anak ni Jodi) no’n. Lumapit ako sa kanya tapos pinicture-an ko lang talaga sila ni Thirdy. ‘Pag binabalikan ko ‘yung mga gano’ng mga moments tapos ‘yung relationship namin ngayon ni Ate Jodi, grabe! Hindi ko talaga in-imagine no’ng mga panahon na ‘yon na I will be working with her on this project. It’s really a humbling experience,” nakangiting kwento ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

BUGOY CARIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with