^

PSN Showbiz

Tom legally single na, Carla kailangan pa ng approval ng korte

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tom legally single na, Carla kailangan pa ng approval ng korte
Carla
STAR/ File

Nag-replay ang All-Out Sundays kahapon na ang ibang segment pa ay kasali si Tom Rodriguez na matagal-tagal ding napanood sa naturang musical-variety show bago siya lumipad pa-Amerika nung Marso.

Kumanta si Tom kasama ang bandang Agsunta, at ramdam na ramdam nito ang lyrics ng kanta na tugma sa pinagdaanan nila ni Carla Abellana.

Sabi sa ilang bahagi ng hit song ng Agsunta na Kung ‘Di Na Ako, “Kung ‘di na ako, kung ‘di na ako’ng magpapatibok ng puso mo, Paalam na, paalam na.”

Ang lungkot ng kanta at kitang-kita ang lungkot ni Tom, lalo na’t meron pa siyang madamdaming intro bago nila ito kinanta.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, malungkot daw talaga si Tom dahil sinisikap pa rin daw niyang magkaayos sila ni Carla, pero natuloy talaga sa hiwalayan.

Nasa Amerika ngayon si Tom kasama ang kanyang pamilya. Mukhang magtatagal-tagal pa raw siya roon dahil kailangan pa niyang magpahinga, at kailangan niyang malagpasan ang sobrang kalungkutan na pinagdaraanan niya, dahil sabi nga niya kailangan niyang matutunan ang sarili na ma-fall out of love kay Carla.

Tuloy naman ang trabaho ni Carla kasama sa Voltes V at natapos na niya yata ang mga eksena niya.

Si Tom naman ay hinihintay lang daw ng GMA 7 at puwede siyang bumalik anytime. Pero sinasabihan daw siyang mas mabuting doon muna siya.

Nakikita nilang mabigat sa kanya itong pinagdaanan nila, lalo nang ayusin niya ang divorce sa Amerika.

Ayon sa ilang napagtanungan na­ming nakakaalam sa batas, hindi na nila kailangang mag-file ng annulment case.

Bilang American citizen din si Tom, nagawa niyang mag-file ng divorce at na-grant ito. Kaya single na siya ngayon.

Si Carla naman ay kailangang ipapa-recognize niya sa korte ang divorce decree na isinumite ni Tom. Kapag makuha niya ito, single na rin uli ang aktres.

Kaya sa ngayon ay single si Tom, pero hindi pa si Carla.

Narito ang paliwanag sa akin ni Atty. Joji Alonso nang humingi ako ng explanation sa kanya, “As far as US law is concerned, they are now both single.

“As far as Philippine law is concerned, Tom is a divorcee and as such may legally remarry in the Philippines, after obtaining from his embassy a certification as to his legal capacity to remarry. Not that he is planning to do that anytime soon.

“On the other hand, Carla would need to have the foreign judgment (divorce decree) recognized before the Regional Trial Court in the Philippines.

“Once the court recognizes the decree, the same will be annotated on their marriage contract.

“Thereafter, she will be single again and may legally remarry.”

Mas mahirap kasi kapag dumaan pa sila sa annulment. Matagal at napakabigat na haharapin pa nila uli at pag-usapan sa korte ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ariel, ayaw na sa lock-in

Maganda ang feedback na nakukuha namin sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na The Fake Life.

Consistent itong mataas na sumasabay sa matataas ding rating ng ibang afternoon drama na Apoy sa Langit at Raising Mamay.

Kaya kahit nahirapan si Ariel Rivera sa lock-in taping, masaya na rin siya dahil natapos niya ito na hindi na nagkaroon ng ano mang problema.

Pumunta raw muna si Ariel ng Canada kasama si Gelli de Belen, at sinabi naman niyang willing siyang gumawa ng isa pang soap sa GMA 7, pero huwag lang daw ang matagalang lock-in taping.

May ilang artista rin kaming nakakausap na hindi rin daw nila nakayananan ang lock-in taping. Kaya sana tanggalin na raw ito.

Ang nabalitaan naman namin, ila-lock in lang daw ang mga artista kung dire-diretso ang taping. Pero kung may ilang araw na break, puwede silang umuwi.

vuukle comment

ALL-OUT SUNDAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with