^

PSN Showbiz

Robin, inaasahang susunod na Erap!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Robin, inaasahang susunod na Erap!
Robin
STAR/ File

Maganda naman na nag-ayos na sina Atty. Sal Panelo at Sharon Cuneta dahil kay Robin Padilla. Kasi wala naman malaking issue ‘yung pagkanta ni Atty. Panelo sa isang kanta ni Sharon, naging issue lang dahil election.

Mabuti naman at nandiyan si Robin na naging daan sa pagbabati ng dalawa. Para nga ka­sing napaka-petty nito para hindi maa­yos lalo pa nga at malalaking perso­nalidad sila. Lalo pa sa parte ni Sharon na parang lahat ng bagay nagiging issue at news kaya dapat maging maingat sa kanyang reactions.

Saka isang karangalan na rin na hanggang ngayon talagang kilalang-kilala pa rin lahat ng top hit songs ni Sharon, na gusto pa rin paulit-ulit na kantahin ng lahat.

Samantala, hanggang ngayon issue pa rin ‘yung pagiging number 1 ni Robin sa Senate race nung nakaraang election. Ang kailangan ngayon ipakita niya na karapat-dapat siya sa na­ging tiwala sa kanya ng mara­ming bomoto.

Dapat ang isipin ni Robin ‘yung pressure ng hinihintay na resulta sa kanyang performance as senator. Number 1 ka kaya pang-number 1 din dapat ang performance. Lahat ng consultant niya, at ang researchers dapat magtrabaho nang overtime para mabigay ang magandang resulta mula sa tanggapan niya.

Now is the time for Robin to shine, to give his best, ang gandang break nito sa kanya.

Ipakita niya na puwede uling mapunta sa mataas na puwesto ang isang taga-showbiz gaya ni Joseph Estrada na naging Presidente pa.

Sayang nga at may nangyaring hindi maganda. This time puwede pa ring magpakitang gilas ni Robin, after all nag-number 1 siya kaya ibig sabihin malaki pa rin ang tiwala ng tao sa mga taga-showbiz.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with