^

PSN Showbiz

Jessy na-food poison, naospital ng 3 days

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy na-food poison, naospital ng 3 days
Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Na-food poison pala at naospital si Jessy Mediola for three days.

Ito ang sinabi niya sa kanyang recent vlog.

At ang saya niya dahil inaalagaan daw siya sa hospital ng asawang si Luis Manzano at ito ang nagbayad ng bills niya.

Pero curious lang ang followers nila kung kanya-kanya ba silang hawak ng pera dahil sa expression na parang bakit parang hindi ine-expect ni Jessy na si Luis magbabayad at mag-aalaga sa kanya?

Parang given na raw kasi ‘yun ‘di ba ‘pag mag-asawa?

Naninibago lang daw sila, followers, sa ganung setup siguro.

Anyway, kanya-kanyang approach naman ‘yan.

Saka ang saya naman ng mag-asawa at suportahan talaga sila.

GMA Network and Wattpad, sanib-pwersa TV adaptations of hit webnovels 

Nagsanib ang GMA Network at Wattpad Webtoon Studios para sa series of upcoming TV adaptations of popular Wattpad webnovels via Luv Is.

Ang unang adaptation ay ang Luv Is: Caught in His Arm na pagbibidadahan ng fast-rising Kapuso stars Sofia Pablo and Allen Ansay.

Makakasama nila ang ibang members of Sparkle GMA Artist Center’s Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales and Tanya Ramos.

Susundan ng kuwento ang heiress Florence Almero (Sofia) na tinalikuran ang bonggang lifestyle nang pilitin ng ama sa isang arranged marriage.

Makikitira siya sa close fami­ly friend kung saan makikilala niya ang limang kalalakihan na tinawag na Ferell brothers.

Hanggang nagkaroon siya ng close bond sa kanila at na-in love sa isa sa limang boys.

At nang pasimula pa lang siya sa bagong buhay nadiskubre niya ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina at ang dating kaaway nila ay nagpaplanong maghiganti sa kanilang pamilya.

Ang Luv Is : Caught in his Arms ay adaptation ng hit Wattpad webnovel with the same title from author Ventre Canard na isa sa popular and prolific Wattpad writer with over 1.7 million followers on the platform, 26 published stories, and 342 million total reads.

Ang Wattpad Webtoon Studios is the fan-driven global entertainment and publi­shing arm for Webtoonand Wattpad. And this partnership with GMA will allow Wattpad WEBTOON Studios to continue to connect with Wattpad’s massive local community of more than six million people in the Philippines – one of the platform’s largest markets.

Mag-uumpisang mapanood ang kilig and values to Kapuso viewers starting on Oct. 3, Mondays to Fridays, only on GMA 7.

Direk Olive, binalikan ang pinanggalingan sa sagip pelikula Spotlight series

Tampok sa panibagong edisyon ng Sagip Pelikula Spotlight series ngayong Hunyo ang pagbabalik-tanaw sa karera ng prem­yadong writer-director at dating ABS-CBN Films Productions Inc. head na si Olivia M. Lamasan, at ang pagpapalabas ng ilang restored hits niya tulad ng Got 2 Believe sa KTX.ph.

Sa pre-show interview niya kasama ang ABS-CBN Film Restoration head na si Leo Katigbak, binalikan ni Direk Olive ang kanyang pagsisimula bago siya mahirang sa industriya bilang ‘Inang.’

“I started in an American project shot in the Philippines. This was ‘Nine Deaths of a Ninja.’ Doon ko nakilala si Charo [Santos-Concio], she was an associate producer. I started out as a production assistant or assistant to the producer,” kwento ni Direk Olive.

Matapos niyan ay naging associate producer siya sa ilang production company hanggang sa maging executive producer para sa mga programa ng ABS-CBN.

Kasabay ng kanyang trabaho bilang producer, binahagi rin niya sa interview kung paano siya nagsimula sa pagsusulat ng screenplay sa mga pelikula, kung saan nagwagi rin siya ng parangal sa Gawad Urian at Star Awards para sa pelikulang Ipagpatawad Mo.

Doon din nakita ang kanyang potensyal sa pagdirek at agad siyang tinuruan ng mga tinitingalang direktor tulad nina Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Laurice Guillen at Mike de Leon.

Kilala sa kanyang kakaibang istilo sa pagdirek at sa pagsalamin ng kanyang mga gawa sa totoong buhay, nais ni Inang na ang kanyang mga naging pelikula ay maging makabuluhan sa mga manonood ngayon.

“I’m hoping they would see my works depict truth in life and reflect cha­racters in real life—their joy, pain, and journey. Also, for these works to inspire people and touch hearts despite the challenges we have in life,” saad niya.

Marami pang mga masasayang kwento at aral na mapupulot sa pre-show interview ni Direk Olive sa Sagip Pelikula Spotlight, tampok ang digitally-restored version ng Got 2 Believe nina Claudine Barretto at Rico Yan sa KTX.ph sa halagang P150.

Maliban sa Got 2 Believe, palabas din sa KTX ang ilan pang restored hits niya tulad ng Maalaala Mo Kaya... The Movie, Milan, Sana Maulit Muli, at The Mistress. Samantala, mapapanood din nang libre ang digitally scanned at enhanced version ng 1960 LVN classic na The Triplets sa dara­ting na Hunyo 23 (Huwebes), 7:30 p.m. sa Facebook page ng ABS-CBN Film Restoration.

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with