^

PSN Showbiz

Baguhang sexy actress/singer na si Alexa Miro, kumpirmadong girlfriend ni Cong. Sandro Marcos!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Baguhang sexy actress/singer na si Alexa Miro, kumpirmadong girlfriend ni Cong. Sandro Marcos!
Alexa Miro.

Kinumpirma ng kampo ng baguhang sexy actress/singer na si Alexa Miro na boyfriend nito ang presidential son at Congressman ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, last year pa raw ang relasyon ng dalawa, pero ginawa nila itong pribado dahil meron yatang ‘di pabor sa kanilang relasyon.

Pero wala naman silang magagawa dahil mukhang ipinaglaban nilang dalawa ang kanilang pag-iibigan.

Gusto rin naman daw nilang tahimik lang, kaya hindi sila ganun ka-open sa social media. Mas tahimik, less intriga nga naman!

Nung nakaraang eleksyon daw ay tumutulong si Alexa sa pangangampanya ni Sandro dahil magaling itong kumanta.

Kararating lang pala nila galing sa ilang linggong bakasyon sa Europe, at nakikita namang masaya silang dalawa.

Akala ng iba kay Barbie Imperial nali-link si Cong. Sandro, dahil sinasabi ng aktres na close silang dalawa.

Pero magkaibigan lang pala talaga sila, at walang malisya ‘yun.

Maganda naman si Alexa, edukada at talented, kaya nga siguro nagkakasundo sila ng presidential son.

Gustung-gusto nga siya ng mga taga-Lunch Out Loud kaya hanggang ngayon ay regular pa rin siya sa naturang noontime-variety show ng TV5.

Tols, maraming pabakat at pabukol!

Maganda ang performance ng mga comedy show ng GMA 7, kaya medyo may pressure sa bagong sitcom ng GTV na Tols na magsisimula na sa June 25 ng 7:05 ng gabi.

Makakatapat pa naman nito ang dalawang bigating sitcom ng GMA 7 na Pepito Manaloto at kasunod ang Jose and Maria’s Bonggang Villa, kaya challenge ito sa mga taga-Tols.

Bukod sa tatlong bidang sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador at Abdul Raman, riot dito ang partisipasyon nina Rufa Mae Quinto at Betong Sumaya na sumasalo kapag medyo nangangapa sa pagpapatawa ang tatlong bida.

Bago pa lang sila sa pagpapatawa, kaya hindi raw talaga ganun kadali sabi ni Kelvin.

“Pressured talaga kasi first time namin talaga sumalang sa comedy. Kaya lahat ng chance na puwedeng matutunan namin, kinukuha namin,” pakli ni Kelvin sa nakaraang mediacon ng Tols.

“Nao-overwhelm po ako kada taping namin kasi every taping day, iba e. Mas mahirap talaga sa totoo lang ang comedy kasi hindi puwedeng i-delay, hindi mo puwedeng paghintayin ang punchline kasi puwedeng mawala, mamatay ‘yung

joke. Mahirap siya for me, kasi hindi naman talaga ako komedyante. Pero willing to learn,” dagdag niyang pahayag.

Pero doble effort sila rito dahil nasa GTV pa sila na hindi kasing-popular ng GMA 7 siyempre.

“Isa po ‘yun sa pinanggagalingan ng pressure kasi, magkaiba ng channel na magkaiba ang tagasuporta at tagapanood, tagasubaybay. May market, pero aminin natin sa totoo na mas mahirap kunin ‘yung market sa main kesa sa GTV. Kasi, hindi lahat merong channel ng GTV. Kaya kailangan namin ng extra effort para mag-promote para ipaalam sa mga tao na nag-eere na kami, na may panibago kaming show na makakapagsaya sa kanila,” sabi pa ni Kelvin.

Ang masaya rito sa Tols, parang Palibhasa Lalaki raw ito nina Richard Gomez at Joey Marquez na sa last sequence nito, may nasosorpresa at napa-prank minsan.

Si Kelvin ang madalas nagpi-playtime sa mga kasamahan niya na madalas ay nabubuhusan sila ng tubig.

Kaya tiyak na maglalaway ang mga kabadingan sa pabakat at pabukol ng tatlong bida. “Sabi nga ni direk, pabukol daw? Ako po ‘yun ang laging hubadero dito, bilang ako ‘yung tambay saka ako ‘yung mahilig sa chicks. Character ko na po ‘yun,” napapangiting pakli ni Shaun.

Kaya si Shaun ang madalas na nabubuhusan ng tubig, napapahubad at may mga pabakat pa sila. Ganun sila ka-daring. “Nag-usap-usap naman po kami na kapag may ganung eksena, huwag na lang ma-conscious. Ibigay na lang natin sa mga manonood, sa eksena para sa ikabubuti ng show,” sabi naman ni Kelvin.

Siyempre si direk Monti Parungao ang direktor nito na sanay magpahubad ng mga lalaki.

Kaya tiyak na umaalingasaw dito ang kakisigan nina Kelvin, Abdul at Shaun, at dagdag pa sina Arkin del Rosario at ang baguhang si Raymond Mabute.

Sa boys naman ay matataypan nila ang magandang member ng Ca­lista na si Olive May.

vuukle comment

ALEXA MIRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with