^

PSN Showbiz

Janella, humihingi ng privacy para sa kanila ni Markus

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga ispekulasyon na nagkakalabuan na diumano sina Janella Salvador at Markus Pater­son.

Matatandaang nagsimulang magsama ng dalawa nang ipagbuntis ng aktres ang kanilang anak na si Jude. “Markus and I are okay. I am aware of speculations that are going around. I’m asking people to give us more time. I-respect kung ano man ang nangyayari pero okay kami. We’re totally okay. Siguro hindi na maiiwasan na people will talk. Pero ‘yun nga I hope people will respect our privacy. As of now and eventual­ly naman kung ano man, respect our privacy muna. But we’re okay,” makahulugang paglalahad ni Janella.

Matatandaang ipinanganak ng aktres si Jude noong October 2020. Para kay Janella ay ang anak ang nagsisilbing inspirasyon niya sa ngayon. “Yes, I am ins­pired by Jude. Every single day of my life siya ‘yung inspiration ko,” maikling pahayag ng aktres.

Samantala, balik-trabaho na si Janella ngayon.

Abala ang aktres sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na mapapanood na sa Kapamilya network sa susunod na buwan.

Masayang-masaya ang aktres dahil gaganap bilang si Valentina na kalaban naman ng bidang si Jane de Leon.

Angeline, pandemic babies ang inspirasyon sa bagong negosyo

Kamakailan ay nailunsad na ni Angeline Quinto ang kanyang sariling mommy and baby skin care line na Twinqle. Pinaghandaan umano ng singer ang bagong negosyo habang ipinabubuntis pa lamang ang anak na si Sylvio. “Ang Twinqle ay isang innovative skin care line na talagang binuo namin para sa mga mommies and babies. Ang naging inspirasyon ko rito, meron kasi ako nabasa about pandemic babies. So nitong last two years, alam ko napakaraming nabuntis at nanganak at isa na ako doon. Mas nakita ko ‘yung kahalagahan ng mga mommies na magkaroon ng product na safe at effective para sa mga anak nila,” pagbabahagi ni Angeline.

Ang singer ang tumatayong Chief Operating Officer o COO ng naturang brand.

Nangangarap umano si Angeline na makilala rin sa ibang bansa ang bagong negosyo. “Higit pa sa local ‘yung naiisip ko na pangarap para sa Twinqle. Ako bilang singer at nakakapag-shows abroad, napakarami kong nakikitang mga Pilipino na tumatangkilik pa rin ng sariling atin eh. Ibang-iba pa rin ang pagmamahal ng mga Pinoy sa mga gawang Pinoy talaga,” giit niya.

Umaasa si Angeline na makapagbibigay din ng bagong negosyo para sa mga kababayang nasa bahay lamang. “Gusto talaga naming makapagbigay ng opportunity sa mga online sellers, lalo na ‘yung mga mommies na nasa bahay lang na magkaroon sila ng pagkakakitaan. Hindi na sila aalis ng bahay or maghahanap ng trabaho sa labas. Kikita pa rin sila para sa family nila,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with