^

PSN Showbiz

Korean stars, windang na super sikat sa mga Pinoy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korean stars, windang na super sikat sa mga Pinoy
Nam Joo-Hyuk
STAR/ File

Naku hah, ang dami na naman mga Korean star na nagmi-meet and greet dito sa ‘Pinas.

Aligaga na naman mga Korean addict dahil nga halos sunud-sunod ang visit ng mga K star.

Paano nga, naloloka sila sa popularity nila rito, napaiyak nga si Kim Soo-hyun sa sobrang touched sa ipinakita ng kanyang fans.

Kahit nga si Nam Joo-hyuk naloka na ganun pala kagrabe ang paghanga sa kanila rito sa ating bayan.

Hayan tuloy, una tayo sa itinerary pag may personal appearance ang mga Korean star.

Pati nga BTS booked na raw dito bago sila mag-rest muna sa kanilang career.

Net 25, lumalaban na

Mukhang magiging very competitive ang Net 25.

Marami silang mga bagong show  na iba’t iba ang format.

Nandiyan ang cooking show nila Pat-P Daza at Sandy Daza na Lutong Daza, ganundin ang game show ni Aga Muhlach. Tuloy din ang talkshow nila Ali Sotto at Pat-P.

Marami pa raw naka-line up kaya mukhang tuluy- tuloy ang pagiging active ng network hanggang maging major player sila.

Good for the industry dahil the more, the better.

Tulad ng welcome news para sa lahat sa pagpasok ng Villar group dahil madaragdagan ang mga trabaho para sa lahat.

Sana talaga ay tuluy-tuloy na ang pagsigla ng entertainment industry sa bansa.

vuukle comment

PINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with