^

PSN Showbiz

Zanjoe, na-imagine na may kausap na totoong anak 

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe, na-imagine na may kausap na totoong anak 
Zaijian Jaranilla at Zanjoe Marudo.

Magtatapos na ngayong June 24 ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo.

Maraming mga eksena umano ang hinding-hindi makalilimutan ng tatlong bida ng pinag-uusapang serye.

“Isa sa mga pinaka-enjoy ko, one of the many is ‘yung grocery scene ko with ate Jodi. It was so fun to shoot. Medyo intense ‘yung pagkaka-blocking sa amin do’n ni direk and sobrang precise. We had to stop our push cart, kailangan doon talaga sa lugar na ‘yon. So masaya siyang gawin. Na-enjoy ko talaga ‘yung eksena na ‘yon,” pagbabahagi ni Sue.

Sa Baguio pa kinunan ang bawat tagpo para sa naturang serye. Ayon kay Zanjoe at talagang palagi silang nasasabik na gawin ang mga eksena dahil sa kanilang production design o props sa set. “Ang ganda ng mga eksena ‘pag buong pamilya lalo na ‘pag kumakain kami sa dining. Parang lagi kaming excited kasi grabe, ‘yung pagkain namin, ‘yung iniinom namin, lahat tunay, lahat talagang legit. Gusto ko pasalamatan ‘yung art department namin. ‘Pag kinunan ng mga camera ‘yung pagkain, ‘yung mga tao, nagugutom or nagtatanong saan binili.

“‘Yung paborito kong eksena kasi isa lang siyang phone call. Pero ‘pag nag-ring ‘yung phone at pagsagot ko ng phone, kausap ko si Zaijian sa telepono. So binitawan ko ‘yung linya ko. Tapos sinasagot niya ‘yung dialogue niya. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na totoong anak ko ‘yung kausap ko. Kasi usually ‘pag phone call, AD (Assistant Director) ‘yung kausap mo eh. ‘Yung AD ‘yung naririnig mo, dito pagsagot ko ng phone, si Zaijian ‘yung kausap ko sa phone,” nakangiting kwento ni Zanjoe.

“Isa sa mga pinakagusto ko na scenes  is ‘yung revelation scene. ‘ang haba kasi ng tinakbo no’n. Saka ilang days din naming shinoot ‘yon. ‘Yon ‘yung isa sa mga paborito na eksena na ginawa ko kasi isa rin siya sa pinaka-challenging. Especially na lahat lang tumatakbo sa utak mo. Kasi habang in character ka, may mga nagvo-vocal cue. I tink siya siya sa mga exciting at challenging parts na ginawa ko,” paglalahad naman ni Jodi. 

Ogie, nasaksihan ang sweetness nina Janine at Paulo

Kamakailan ay naging special guest ni Ogie Alcasid sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino para sa OA Sa Love In The USA concert sa California.

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na diumano sina Janine at Paulo ngayon.

Ano kaya ang obserbasyon ni Ogie sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa? “You know, those two, I love those guys. They’re complete pros. They’re very sweet to each other. I cannot say if they’re on or not. The truth is hindi ko alam. They look like they are,” makahulugang pahayag ni Ogie.

Sa susunod na concert ng singer-songwriter sa ibang bansa ay posibleng makasama raw muli sina Janine at Paulo. “Masasabi ko na siguro kung talagang sila na (sa susunod na concert),” natatawang dagdag ni Ogie. (Reports from JCC)

 

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with