^

PSN Showbiz

Dingdong, in demand dahil sa ugali

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, in demand dahil sa ugali
Dingdong at Marian
STAR/ File

Parang lahat ng trabaho na kay Dingdong Dantes talaga. Meron siyang Family Feud, Amazing Earth at Jose & Maria’s Bonggang Villa.

Talaga nga siguro siya ang pinakamasarap katrabaho, kaya tuwing mag-iisip ng project ang GMA 7, si Dingdong agad ang nasa top of the list.

‘Kainggit kung iisipin mo, dahil parang sa hirap ng trabaho ngayon, pero heto si Dingdong Dantes na talagang patung-patong ang ginagawa. Palibhasa nga mahusay makisama, professional, hindi mareklamo, kaya paborito.

Lesson ito para sa ibang aktor na maarte, mareklamo at sakit ng ulo.

Kung gusto mo na magkaroon ng maraming trabaho, gumaya ka kay Dingdong, masipag, mabait at professional.

Aktor na alalay ng pulitiko, malakas rumaket sa casino

News mo, Salve, na may nanalong aktor ng P23M sa casino.

Mula nang wala nang ginagawang pelikula o project ang naturang aktor, balita nang tambay ito sa casino.

Nagtataka nga ang marami kung saan kinukuha ng aktor ang puhunan sa sugal, eh ang ginagawa lang nito maging alalay sa ilang mataas na opisyal ng gobyerno.

Sabagay, saan man niya kunin ang puhunan sa pangsugal niya hindi naman natin problema, kanya-kanya namang raket ang bawat isa sa atin.

Mabuti naman at panay raw ang panalo ng aktor ngayon dahil paalis na sa puwesto ang dinidikitan niyang pulitiko, at hindi na ganun ka-influential ang isa niyang BFF na nasa mataas na puwesto.

Sana nga lagi na lang panalo para naman hindi magkaroon ng financial problem ang aktor, dahil ito na lang yata ang trabaho niya.

Bongga, casino king siya talaga.

vuukle comment

FAMILY FEUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with