^

PSN Showbiz

Angelica at Gregg, naiyak sa gender reveal ng anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angelica at Gregg, naiyak sa gender reveal ng anak
Angelica at Gregg
STAR/ File

Nakakaaliw si Angelica Panganiban sa huling vlog nila ng partner niyang si Gregg Homan na kung saan doon na nila ini-reveal ang gender ng kanilang magiging baby.

Papunta pa lang silang dalawa sa kanilang doktor para magpa-ultrasound, kuwelang-kuwela na ang mga patawa niya na pinag-iisipan na raw nila ang ipapangalan sa kanilang baby.

Sabi ni Angelica, para naiiba, try nila ang Watch Me Wiff, at tawa sila nang tawa.

Nagtagal sila sa joke na naiisip daw nilang ipapangalan ay Halalahi Halalahoo para bumagay daw sa apelyidong Homan.

Sabi ni Gregg, triple H daw kung Halalahi Halalahoo Homan.

Sinasabi pa ni Angelica na tuturuan daw niyang kumanta ang anak niya, pero gay lingo ang lyrics.

“Tuturuan ko siya paano maglambing sa tatay,” bulalas ng aktres.

Halatang excited ang mag-partner papuntang Wombs kung saan doon magpapa-ultrasound ang Kapamilya actress.

May naisip pa si Angelica na pangalang Walaitu Homan, at sinasabayan nila ito ng tawa.

Pero pagdating na sa ultrasound, hindi na nila napigilang maiyak nang nalaman nilang baby girl ang ipinagbubuntis nito.

Girl kasi talaga ang gusto ni Gregg, kaya emotional din itong napayakap kay Angge.

“Overwhelmed!,” sabi lang ni Angelica na naluluha na rin.

Ang eksenang ‘yun ay isiningit nila sa kanilang vlog bago nila ini-reveal sa kanilang napaka-intimate na gender reveal party kasama ang pamilya at close friends.

Sa showbiz friends ay si Glaiza de Castro lang ang nandun kasama ang kanyang asawang si David Rainey.

Napatili si Glaiza nang na-reveal ang color pink sa hiniwang cake nina Angelica at Gregg.

Ang saya saya nilang lahat dahil ‘yun daw talaga ang ipinagdasal nina Angelica at Gregg.

“Answered prayer. ‘Yun talaga ang pinagpi-pray ko,” bulalas ni Angelica.

Tuwang-tuwa pa ang aktres kapag naririnig niya sa ultrasound ang heartbeat ng kanyang anak.

“Ang saya pala ‘pag narinig mo na,” sabi pa ni Angelica Panganiban.

Baguhang Fil-Jap actress, ayaw pasukin ang paghuhubad

Ang Fil-Jap na baguhang aktres na si Yana Fuentes ang isa sa ilulunsad ng AQ Prime Entertainment para sa kanilang AQ Prime Stream na nagsimula ngayong buwan.

Ang ganda ni Yana na puwedeng pantapat kay AJ Raval at Angeli Khang ng Vivamax.

Pero sabi ni Yana nang nakatsikahan namin ay ayaw daw niyang makipagsabayan kina AJ at iba pang Vivamax stars pagdating sa hubaran.

Okay lang daw sa kanya ang medyo sexy at kissing scenes, pero hindi raw siya maghuhubad sa pelikula.“I think for me, I’m more on drama, more on action. ‘Yun po ‘yung gusto kong mangyari sa career ko,” sabi niya.

Natapos na ni Yana ang mga pelikulang Pula ang Kulay ng Gabi, Anatomiya at Loser Suckers na mapapanood sa AQ Prime Stream at Director’s Cut ng AQ.

Siya rin ang magbibida sa iba pang naka-line up na Peyri Tale ni direk Joel Lamangan, at Nun Assasin.

Galing ng Japan si Yana dahil nandun ang pamilya niya.

Si Shido Roxas na nagtagal din sa Japan ang nagpakilala kay Yana sa AQ Prime at kaagad na nagkainteres sa kanya.

Naririnig nga naming nagni-Nihongo silakasama ang Japanese boyfriend ni Yana.

Seryoso ang baguhang aktres sa kanyang pag-aartista, pero sa ngayon ay hindi pa raw siya kumportableng magpa-sexy.

Nakatrabaho na niya sina Ara Mina, Aljur Abrenica at Teejay Marquez at may natutunan naman daw siya pagdating sa acting. “Pero I think, kung meron man pong space for improvement. I want to learn more pagdating po sa ac­ting,” sabi pa ni Yana.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with