^

PSN Showbiz

Jodi, hindi malilimutan ang intimate scenes nila ni Ketchup

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi, hindi malilimutan ang intimate scenes nila ni Ketchup
Ketchup at Jodi.

Magwawakas na sa June 24 ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo.

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Jodi ang intimate scenes na ginawa nila ni Ketchup Eusebio para sa serye. “Kabadong-kabado din kami sa scene na ‘yon. Kasi magkumpare talaga kami. Inaanak ko ‘yung anak niya. Sabi ko, ‘Tito Ketch, paano ba natin gagawin ito?,’” nakangiting kwento ni Jodi.

Nasabi raw ng aktres noon sa mga kasamahan na titigil na siya sa pagtatrabaho pagkatapos ng pinag-uusapang serye. “I told Z (Zanjoe) and direk Andoy (Ranay), ‘Ito na ang huling project ko.’ Sabi ko after TBMV ayoko na. ‘Yon ‘yung sinabi ko sa kanila noon. Ito na ‘yung last. Kasi sabi ko unang-una, hindi ko alam kung meron pa ba akong mabibigay sa susunod na project na feeling ko lahat na nabigay ko dito. Hindi talaga naging madali. Parang feeling ko ito na ‘yon. Wala na akong magagawa after this. So ‘yon ‘yung time na ‘yon,” pagbabahagi niya.

Matagumpay na nagampanan ni Jodi ang karakter bilang si Dra. Jill Ilustre. Kakaibang pagod umano talaga ang naramdaman ng aktres pagkatapos ng kanilang lock-in taping sa Baguio. “Pagkalabas ko ng lock-in, I realized that I was so tired. I was physically, emotionally and mentally exhausted from playing the role. Kasi feeling ko, nasagad na talaga. Feeling ko lahat ng creative juices ko na-cut off. So all I really needed lang pala was a break to recharge, to relax, to just kalma, gano’n,” pagtatapos ng aktres.

Gerald, iningatan si Ivana 

Malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel ang A Family Affair na pinagbibidahan ni Ivana Alawi.

Sina Gerald Anderson, Jameson Blake, Jake Ejercito at Sam Milby ang makakatambal ng sexy actress sa bagong serye.

Mayroong maiinit na eksenang ginawa sina Ivana at Gerald sa naturang serye.

Sobrang pag-aalaga umano ang ginawa ng aktor sa sexy actress ang kunan ang kanilang intimate scenes “Si Ivana is very professional and itong particular love scene na ito, mahirap ‘to para sa kanya. But it was very hard kasi medyo exposed siya in a way na mahirap siya bilang isang babae. And ‘yung trabaho namin ni direk Jerome (Pobocan) na alalayan siya and make sure na feel niya na safe siya,”  bungad ni Gerald.

Hindi na bago para sa aktor ang paggawa ng love scenes sa mga proyekto. Kahit maraming beses nang naranasan ni Gerald sa ibang proyekto ay nahirapan pa rin daw gawin ang mga bagong eksena na kasama si Ivana. “Bilang isang aktor, nakailang love scenes na rin ako. But it’s always a challenge na paano ibahin ‘to. Paano ‘yung kahit na simpleng pagtingin sa kanya, kung paano ‘yung aanohin ko ‘yung buhok niya, or hahawakan ko ang balikat niya. Kailangan iba kung paano ko nagawa dati. Kasi ‘yon rin ang challenge ‘pag medyo sunud-sunod ang trabaho. It’s always a challenge and siyempre ang audience natin, they just want to sit down and enjoy. So we want to give them ng ibang klase, kailangan,” paglalahad ng binata.

Sa Masbate pa kinunan ang karamihan sa mga eksena ng bagong serye. Kakaibang bon­ding daw ang ginawa ng buong grupo sa naturang lalawigan dahil sa ipinatupad na lock-in taping. “Great, sobrang ganda ng pagsasama namin. Sobrang ganda ng camaraderie on set and off set. Lalo na kapag off set. Kasi nadadala namin ‘pag on set, kung paano kami nagtatrabaho. So ‘yung bonding namin as friends, para na rin kasi kaming pamilya eh. Magkakatabi ang mga kwarto namin, umuuwi kami sa hotel after ng pack-up, sabay-sabay kaming kumakain. Mayroon kaming mga bonding moments na nag-o-open up sa isa’t isa. Mahina ang signal so kami-kami lang eh. Kami lang ang nakapag-uusap,” kwento ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with