^

PSN Showbiz

Kris at Robin, friendship goal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris at Robin, friendship goal
Kris
STAR/ FIle

Maganda ang friendship nina Kris Aquino at Robin Padilla. Beyond politics at showbiz, talagang na feel nila ang tunay na meaning ng pagiging friends.

Very open si Robin kay Kris, and vice versa, kaya open ang communication nila, madali para sa kanila ang sabihin kung ano ang nararamdaman nila, problema o kaligayahan.

Kaya nga ang unang nakakaalam kung merong problema ang isa, ‘yung isa dahil nga bale ganun ka-close ang relasyon nila.

Wala na ang romantic angle, dahil kahit si Mariel Rodriguez na­ging close na rin kay Kris. Madalas nga raw sina Robin at Mariel ang nagdadala ng pagkain para kay Kris.

Mabuti na lang at sa mga panahon tulad nito merong ganitong emotional support si Kris dahil nandiyan si Robin. Parang isang shoulder to lean on ang presence niya sa buhay ni Kris.

Friendship goal for Kris and Robin.

Jeric, kailangang mag-focus sa career

Ang bait naman ni Jeric Gonzales. Pinadalhan niya ako ng fave kong persimmon at talagang thankful siya sa mga magagandang bagay na nangyayari sa career niya.

Basta focus lang at hindi guluhin ang priority niya, sure na marara­ting ni Jeric ang tagumpay dahil talented siya.

Maganda rin na magkaroon sila ng friendly rivalry ni Ruru Madrid para mas challenging ang maging career nila tutal nasa isang network silang dalawa.

Magkaiba pa ang physical charm nila kaya maganda ang magiging laban kung sakali. Sa ngayon maganda ang takbo ng career ni Jeric, huwag sanang masira dahil lang sa lovelife.

Ang focus talaga uma­ngat at marating ang stardom, huwag hayaang ma-sidetrack dahil lang sa ginulo ka ng problema mong personal.

Focus lang, Jeric, may award ka na sa acting, tuluy-tuloy na iyan, huwag ka nang hihinto dahil lang busy ka sa lovelife mo, sayang, baka hindi na uli magkaroon ng magandang chance.

Maniwala ka sa akin, marami nang nasayang na career dahil lang sa mga bagay na puwede naman later na lang gawin.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with