^

PSN Showbiz

Maine, ayaw ngaragin ang sarili!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine, ayaw ngaragin ang sarili!
Maine
STAR/ File

Ah may mga offer palang project ang GMA 7 kay Maine Mendoza pero parang ayaw raw nitong magtrabaho.

Medyo mataas diumano ang talent fee na kini-quote than usual.

Ayon sa source, baka type lang ni Maine na chill lang ang career niya bilang rica (rich) naman talaga sila.
At saka siguro magiging busy siya sa pagtulong sa mga magiging project ni Congressman-elect Arjo Atayde.

Ahh baka nga. Lately rin ay hindi active si Maine sa social media at a week ago pa ang last post niya sa kanyang Instagram account na nagti-taping sila para sa programa niyang Maine Goals.

Teen star na pasisikatin sana, may ka-live in na

Paghihiwalayin na raw ang young loveteam na pinu-push ng isang network. Kasi pala ang female teenstar sa nasabing loveteam ay may ka-live in na agad at nalaman diumano ito ng mga kinauukulan kaya nag-decide na paghiwalayin na ang dalawa.

At wala pang 18 years old ang young star na ‘to ha.

Iba na talaga ang kabataan ngayon. Imagine 17 years old pero may ka-live in na.

Panahon na talaga para ibalik sa eskuwelahan ang GMRC (Good Manners and Right Conduct) para rin alam nila ang moral values na nakalimutan na rin ng ibang mga bagets ngayon. Mas sinasamba na nila ang social media more than anything else.

MAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with