^

PSN Showbiz

Chie, tinatawanan lang ang scandal nila ni Zeus

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Chie, tinatawanan lang ang scandal nila ni Zeus
Chie
STAR/ File

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang malisyosong balita tungkol kina Chie Filomeno at Zeus Collins.

May scandal video diumanong kumalat ang dalawa na naging palaisipan sa netizens. “Ang tagal-tagal na ng issue na ‘yon and alam naman nating lahat na fake news ‘yon. Nakakalungkot lang kasi ‘yung mga tao, ang source nila ng news ngayon, hindi sa actual platform na pagkakatiwalaan kundi sa Facebook at TikTok. Wala namang problema kung mag-Facebook at TikTok, okay lang naman. Pero know your information and alamin n’yo naman kung totoo ba ito or hindi,” makahulugang pahayag ni Chie.

Para sa aktres ay hindi dapat agad naniniwala ang mga tao sa balita sa social media lalo pa’t may ibang nasasangkot sa isyu. “Bakit naman namin gagawin ‘yon? May girlfriend ‘yung tao at saka ang malungkot kasi may nadadamay na tao. ‘Yon lang ‘yung malungkot talaga. So guys, it’s fake news. Ang tagal na, as in years ago pa. Tinatawanan na nga lang namin. Tapos ‘yung mga tao, they make such a big deal out of it na alam mo namang hindi totoo,” giit ng dalaga.

Hindi nagkaroon ng relasyon sina Chie at Zeus kahit noong aktibo pa pareho sa It’s Showtime ang kanya-kanyang grupong Girltrends at Hashtags. Matatandaang nag-propose na ng kasal si Zeus sa kasintahang si Pauline Redondo kamakailan lamang. Si Chie naman ay wala pa rin umanong karelasyon hanggang ngayon. “Ngayon single, dating hindi rin. Siguro kasi kapag may pina-prioritize ka, hindi talaga pumapasok sa isip mo ‘yung love life. Career muna,” pagtatapos ng dalaga.

Janine, nag-audition noon sa Encantadia

Masayang-masaya si Janine Gutierrez dahil pagkalipas ng mahigit dalawang taon ay maipalalabas na ang kanilang pelikula ni Paulo Avelino na Ngayon Kaya.

Mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong June 22 ang bagong pelikula. “Ngayon ipapalabas na ito. Kasi dati umabot na kami sa nag-shoot na kami ng promo, naka-schedule na ng mall shows. So no’ng nag-lockdown, shocks! Sobrang excited ako for this to come out. And now two years later, ito na nga siya. Happy ako kasi I think eventually, kung ano ‘yung timing ng universe ‘yon sana ‘yung best. So hopefully talagang pumunta sa sinehan ‘yung mga tao at panoorin ito,” paglalahad ni Janine.

Gagampanan ng aktres ang karakter ni Amihan sa naturang pelikula na ayon kay Janine ay talagang malapit sa kanyang puso. “A random funny story lang. Super nakaka-relate ako sa character ko dito. Kasi I also believe na parang in manifesting and things tlike that. Many, many years ago, I auditioned for the Encantadia reboot in GMA. Then parang na-shortlist, parang umabot ako sa finals. I was considered to be Amihan. But in the end, the role went to someone else tapos sobrang heartbroken ako. Kasi sobrang fan ako ng Encantadia, fan ako ni Iza (Calzado). Gusto kong gawin ito pero I didn’t get it. And then when I got the script of this film, nakita ko ‘yung name ng character ko is Amihan. So I was like, oh my gosh, gets ko na that this was the Amihan that was meant for me,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ZEUS COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with