^

PSN Showbiz

Nabawasan ang ganda!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahit pa sabihing hindi ako maka-move on doon sa ginawa ni Bea Alonzo na hindi ako ipaimbita sa presscon niya para sa isang endorsement, at idamay sina Salve at Gorgy, talagang up to now iniisip ko iyon. Ano ba ang tingin ni Bea sa sarili niya, super mega star of all season? Pinakasikat, powerful, at ubod ng ganda?

Kaloka talaga ‘yung ilusyon niya ha, hindi ko kinaya, hah hah hah. Wala pa akong nakitang artista na ganun kalakas ang hangin sa utak, na sobra ang superiority complex para mag-utos sa producer na ayaw niyang makita ang tatlong showbiz writers sa presscon niya na dalawang oras siyang late.

Isang babae na dalawang ulit na-ghosting ng kanyang BF, baka nga nawindang kaya naging very petty.

Kahit ano pang sabihin, bawas ganda ang ganitong ugali, pansinin mo, ‘di ba biglang nagmukhang matanda at bituing walang ningning si Bea?

Biglang parang nawala ang pagiging yummy dahil lagi mong naiisip kung talagang maganda, at mabait, bakit na-ghosting ni Gerald Anderson?

Bakit biglang iniiwan, hindi lang minsan, kundi twice pa. Para ngang mukha tuloy siyang tita ni Alden Richards ‘pag magkasama sila, dahil ‘yung premium ni Bea parang nawala.

So pathetic na gawin niyang power tripping pati pag-invite sa isang presscon.

At the height ng pagiging petty ‘yung dalawang oras kang ma-late. Lunch ang invitation, pati merienda kailangang isama na dahil extended ang oras.

Ay naku, gustong talbugan sina Marian Rivera at Sharon Cuneta, pero palpak dahil pang-starlet ang peg. Naku, Gorgy at Salve, malaking kawalan ba na wala kayong Bea? Siguro naman, nandiyan pa kayo, pero siya wala na sa eksena. Itanong n’yo na lang kay Gerald bakit siya iniwan, mas bongga pa!

Sparkle artists, nakalinya na ang projects

Magaganda ang line-up ng stars ng Sparkle.

Iba pa rin talaga ‘yung touch ni direk Johnny Manahan, plus ‘yung Artists Center. Talagang sigurado na professional at talented ang stars na ibibigay nila para sa projects.

Ngayon pa lang nakalinya na ang new stars sa projects ng GMA 7 kaya hindi malayo na this year makilala na sila at puwede nang ilaban sa datihang stars.

Fresh at very talented kaya naman very confident ang GMA 7 na makagagawa ng ingay ang Sparkle.

Sa gitna ng laban, tiyak na kayang-kaya nila na magbigay ningning.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with