^

PSN Showbiz

Pinatunayang malakas ang sex appeal kahit nanganak na...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Talagang performer si Anne Curtis. Scene stealer siya tulad ng ginawa niyang pagbabalik sa It’s Showtime na talagang inabangan ng marami.

Katawa ‘yung siya mismo ang nag-take 2 sa kanyang opening number.

Sexy at na-maintain pa rin ni Anne ang kanyang magandang katawan, nandu’n pa rin ‘yung star aura niya at appeal kaya naman bonggang-bongga siya.

Dapat ganyan ang drama ng kahit sino na nagbabalik, alagaan ang kanilang physical appearance at huwag pabayaang magmukhang losyang.

Hindi mo aakalain na nanay na si Anne dahil sa sex appeal niya. At nandu’n pa rin ang humor niya na talagang si Anne lang ang puwedeng gumawa.

Welcome back, Anne.

Madaling lapitan ng kahit sino...

Isa yata sa pinakamabait kong friend si Mayor Enrico Roque ng Pandi. Dahil pag-aari niya ang Amana Waterpark na talagang dinarayo ng marami lalo na ‘pag summer, kaya parang hindi mo ma-visualize ang Pandi na hindi si Mayor Enrico ang namamahala.

Happy place ng apo-apohan kong si MJ ang Amana, doon siya nagbi-birthday, nagpupunta ‘pag summer, at ‘pag gusto niyang i-blowout ang friends niya sa swimming. Feeling safe ang nanay niyang si Mel na kasama ko sa bahay sa loob ng waterpark resort dahil maraming lifeguards at mga bantay sa mga batang nagsi-swimming.

Lagi na ay ito ang hiling ni MJ, ang magpunta sa Amana. Kaya naman tuwang-tuwa silang mag-nanay na laging sponsor nila sa pagpunta sa resorts si Mayor Enrico na lagi na ay bukas ang puso sa pagbibigay ligaya sa kanyang mga kaibigan.

Kaya hindi nakapagtataka, na tuluy-tuloy ang pagiging mayor ni Enrico sa Pandi, at parang ayaw siyang bitawan ng kanyang mga kababayan.

At tulad din ni Mayor Joy Belmonte napakadali nilang lapitan at kausapin, kaya naman welcome sa kanila ang tao, lahat ng klaseng tao.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with