^

PSN Showbiz

Toni at Andrew E., ngiting-tagumpay

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Toni at Andrew E., ngiting-tagumpay
Andrew E. at Toni.

Ngiting-tagumpay ngayon si Toni Gonzaga! May pasampol siya ng matamis niyang ngiti sa kanyang Instagram picture kasama ang rapper-actor na si Andrew E.!

Isa sa most hated celebrities si Toni nang maging bukas sa pagtulong sa Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Nalampasan niya ang kaliwa’t kanang hagupit sa kanya ng mga hater, basher, troll at galit sa kanya.

Eh sa panahon ng kampanya, bukod kay Toni, si Andrew E. ang kasangga niya sa bawat lugar na kampanyahan nila.

Mga higante ang katapat ni Andrew sa kalabang kampanya pero panalo sa bandang huli si Andrew.

Ang inaabangan ngayon ng publiko ay kung magiging bahagi ng Cabinet ni Marcos, Jr. si direk Paul Soriano, husband ni Toni, kung anong posisyon ang ibibigay sa kanya.

Aba, bahagi rin ng panalo ng Uniteam si Soriano, huh! Si Andrew E. kaya, i-appoint din ni BBM?

Jak, gagampaNan si johann chua

Lucky charm ng Kapuso actor na si Jak Roberto ang girlfriend na si Barbie Forteza.

Jackpot na makasali si Jak sa comeback series ni Kylie Padilla na Bolera.

Si Jak ang makakatrayanggulo ni Rayver Cruz kay Kylie.

Heto pa, papapelan ni Jak ang bioflick ng SEA games gold medalist sa bil­yar na si Johann Gonzales Chua.

Fresh ang episode tonight sa Magpakailanman na Batang Kampeon sa Bilyaran at alamin ang hirap ni Johann bago maging champion!

vuukle comment

ANDREW E

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with