^

PSN Showbiz

Pagkontra kay Sen. Grace ni Sheryl, inungkat

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagkontra kay Sen. Grace ni Sheryl, inungkat
Sheryl Cruz.

Matapos mabasa ang interview kay Sheryl Cruz tungkol sa kanyang tita Susan Roces na nailibing na kahapon kung saan nagkaroon daw siya ng premonition, biglang may nakaalala sa naging interview noon ni Sheryl na hindi siya pabor sa kandidatura ng pinsan niyang si Sen. Grace Poe.

Naungkat ng ibang fans kanyang interview sa abs-cbn.com noong 2015 na : “I’m not  belittling her capabilities. It’s just that she would be a more effective president come 2022 and not 2016,” aniya sa interview ng TV crews nang dumating sa Manila Hotel para sana sa press conference ng isang pelikula na kasama siya sa supporting cast.

Aniya, kapos sa experience ang kanyang pinsan para patakbuhin ang Pilipinas. “I’m not here for anybody’s gain. It’s not to further someone agenda or political career. Wala nag-uudyok sa akin para gawin ito. I have my own conscience,” paliwanag niya noon.

Anak si Sheryl ng sister ng nasirang Queen of Philippine Movies, si Rosemarie Sonora, na hindi rin nakarating sa burol ng kanyang kapatid.  “My aunt always respected our views and opinions. We may have different opinions of each other but at the end of the day, pamilya pa rin kami at blood will always be thicker than water,” sabi niya pa sa interview.

Actually, hindi noon invited si Sheryl sa nasabing presscon pero dumating noon si Sheryl at ibang entrance pumasok.

Kaya naman napa-throwback ang iba sa mga naging pahayag ni Sheryl sa kanyang recent interview tungkol sa namayapang tita.

O baka naman nagkasundo na rin sila ni Sen. Grace at kinalimutan na nila ang nangyari.

Naging pang-third nga noon sa 2016 elections si Sen. Grace at nanalo si outgoing President Duterte at second placer noon si former senator Mar Roxas.

GRACE POE

SHERYL CRUZ

SUSAN ROCES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with