^

PSN Showbiz

Sheryl, absent sa libing ni Susan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sheryl, absent sa libing ni Susan
Sen. Grace.

Inihatid na sa huling hantungan kahapon ng tanghali ang kinilalang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces.

Bago siya inilagak sa Manila North Cemetary, nagkaroon muna ng misa sa Heri­tage Memorial Park na dinaluhan ng buong pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Maaga pa lang ay dinagsa na ng maraming tao ang Manila North Cemetary.

Nagtayo sila roon ng tent para hindi gaanong mainitan ang mga nakipaglibing.

Naglagay din ng malaking screen na kung saan ipinapalabas ang video clips ng iginagalang na aktres, sa saliw ng awiting Kumusta Ka na kinanta ni Fernando Poe Jr.

Bago magtanghali ay puno na ito ng mga napakaraming tao, pero kontrolado naman ng mga kapulisan.

Ayon sa report ng DZRH, umabot daw ng 250 na pulis ang ikinalat sa naturang lugar para ma-control ang mga taong dumagsa.

Ang iba raw doon ay nakilibing pa kay FPJ nung 2004.

May naka-standby na ring Medics para sa mga hihimatayin, at meron pa ngang nasugatan dahil nahulog siya sa isang bakod dahil sa pagpapaalis sa kanila ng mga pulis.

Kaagad namang nabigyan ng lunas, at meron din doon namigay ng pagkain para sa mga nagtiyagang naghintay para makilibing. Naunang dumating sa sementeryo si  Senator-elect JV Ejercito.

Samantala, sa huling gabi ng lamay ay duma­ting si Pangulong Rodrigo Duterte. Bandang 10:30 siya dumating kasama si Sen. Bong Go na inistima ni Sen. Grace Poe.

Hindi pala siya kaagad umalis ng Heritage Memorial Park, dahil sa katabing chapel ni Susan Roces ay ang burol naman ng kapatid ni Pastor Apollo Quiboloy na si Bishop Jose Quiboloy. Bandang alas-dos ng madaling araw na raw umalis ng Heritage si Pres. Duterte.

Dumating din pala roon si Vice Ganda ng 11:30 ng gabi at medyo nagtagal din siya roon. Aware kaya siyang nakaburol sa kabilang chapel ang kapatid ni Pastor Quiboloy? Kung alam kaya niya ay dadaan kaya siya roon para makiramay?

Maayos ang interment kay Susan Roces na bandang alas-dose ng tanghali ay ipinasok na siya sa kanyang nitso katabi ng kay FPJ.

Kapansin-pansin pala na wala roon sa libing ang pamangkin ni Manang Inday na si Sheryl Cruz.

Dingdong at Marian, dedma sa rating

Nakatanggap ng Letter of Commendation mula sa Chairman at CEO ng GMA Network, Inc. na si Atty. Felipe Gozon ang programang First Yaya ni Sanya Lopez at ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

Binati sila sa magandang palabas at lahat na hirap para lang sa kanilang show.

Na nagpapa-inspire sa kanila para tumaas pa ang rating nila.

Nung nakaraang Biyernes, May 20, nga ay nakapagtala ng mataas na rating na 10.7 percent ang Family Feud, kahit may ilang nam-bash kina Paul Salas at Kate Valdez kasama ang pamilya nila na walang kabuhay-buhay raw maglaro.

Ang First Lady naman ay consistent ding mataas ang rating na nakaka-14 plus percent.

Samantala, hindi naman nagpapaapekto sa ra­ting ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Mataas ang rating ng pilot episode nito na naka-13.4 percent, at nung nakaraang Sabado ay 12.4 percent.

Sabi naman ni Marian sa nakaraang presscon ng renewal niya bilang Brand Ambassador ng Beautederm Home, ang importante raw sa kanila ay masaya sila sa taping at ang ganda ng samahan nilang lahat. “Kasi ginagawa namin sa set na masaya kami.

“Always kami looking forward na mag-taping especially dun sa set na ang saya. I’m sure magri-reflect ‘yan on TV kung gaano kami kasaya sa set.

“Parang siguro ‘pag mag-rate ‘yan bonus na lang. Kasi ang pinakaimportante, magkasama kami ni Dong, magkatrabaho kami after 10 years. Tapos ang pangarap pa namin na sitcom. Kaya bonus lang talaga ‘yung ratings. But of course very grateful kami na minahal siya ng tao, pilot pa lang. Second episode, maganda pa rin. So, sana tuluy-tuloy kami. Para ma-extend nang ma-extend,” pahayag ni Marian.

Kagaya rin sa endorsement niya rito sa Beautederm Home ni Ms. Rei Anicoche-Tan, hindi na isyu sa kanila ang talent fee.

Ang masayang samahan ang pinakamahalaga, kaya tinitiyak ni Ms. Rei na bahagi pa rin si Marian sa kanyang Beautederm family. Pinapirma niya ng renewal na additional 30 months sa kanyang kontrata. “Sinabi ko kay Marian, mawala na ang lahat huwag lang si Marian.

“Alam mo kasi na parang siya lang ang nakatatak sa akin. ‘Pag wala si Marian, asan na si Marian, wala siya?

“Lahat ng bagay kay Marian, magaan. Walang problema. Saka sagot niya ako sa kanyang management. Kaya na-appreciate ko po ‘yun.

“Kaya hindi lang 6 months, hindi lang 12 months, kundi 30 months,” pahayag ni Ms. Rei Anichoche-Tan.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with