Basketball player na ikinasal, grabe ang expose sa ex ng 8 years

Robert Bolick at Cassandra Yu.

Pang-teleserye ang love story ng Northport Batang Pier player na si Robert Bolick na ikinasal sa influencer na si Cassandra Yu noong May 23.

Ex-girlfriend ng basketball player ang volleyball player na si Aby Maraño – for 8 years.

Pero nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila at kinasal nga si Bolick sa influencer.

Pero ang sagwa ng naging sagutan nila sa social media.

May ipinost ang basketball player bilang pagtatanggol sa pinakasalan na “Una sa lahat aby wag ka masyado feeling victim alam mo naman yung rason bakit ganun alam mo ginawa mo kumalat pa nga eh pero never ko linabas kasi kailangan pag usapan yun as a couple para ayusin kasi ganun naman dapat eh dbah? Bakit lalabas mo pa kahit naka labas na nga di parin ako nag react Pag usapan dapat natin dalawa hindi kailangan eh labas pero ganun ka eh linalabas mo eh well para naman ma protektaan ko sarili ko tsaka asawa ko kasi masyado kana diyan tsaka sobra na rin alam mo ginawa mo buntis ka tapos nag pa lag lag ka tama ba yun? Sino banaman lalaki gusto sumama sa isang babaeng ganun? Mismo pamilya mo di alam paano pa kaya teammate mo alam ba nila? lalo na pamilya ko ngayon for sure alam na nila ngayon kaya ganyan sila kasi di naman nila alam ngyayare kasi lalaki ako eh ganun kami tinatago sa sarili feeling malakas pero na tatamaan na sa loob dapat pag usapan lang di na kailangan eh labas may pride kami nakakahiya yung ganun kasi problema natin yun di sa tao at tsaka bata yun walang kinalaman yun. Ok? Kasi parang masyado ka masaya diyan na sinisiraan ako eh alam mo yung katotohanan? Yan ba gusto mo,” bahagi ng post niya sa Facebook kahapon.

Dahil dyan, nag-trend ang #UlolGagoKa.

Advertising
Scroll to continue

Hanggang nagsagutan pa ang mother ng player at ang ina ng pinakasalan nito.

Eww. Grabe. ‘Di na lang sila mag-usap-usap privately. Kailangan talaga sa social media.

Lately din kasi ay maraming nae-enjoy ang social media exposure kaya kahit very personal, ayun kinakalat nila.

Kakaawa lang ang ex na talagang parang tinanggalan ng ‘dignity.’

Show comments